Hinabol ko siya at niyakap mula sa likuran. Panay ang tulo ng luha ko dahil hindi ako sanay na ganito ang trato niya sa akin. Natigilan siya but he didn't face me. He didn't hug me back. Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya at tuluyan na siyang bumaba sa hagdanan. Napaupo ako habang sapu-sapo ang mukha ko. Ayaw tumigil ng luha ko. Hindi ko alam kung sobrang OA ko ba sa pag-iyak ko pero ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Hindi man lang ba niya ako tatanungin? Wala ba siyang balak na kausapin ako? Ayaw na ba niya sa akin dahil sa nakita niya? Iniisip ba niyang pinagpalit ko na kaagad siya sa iba? Siya nga hindi pa rin nagpapaliwanag sa akin kung sino ang kasama niyang babae nung araw na yun tapos siya pa itong unang magtatampo? Ginawa ko lang naman yun para makuha ang kwintas n

