"Hi po, tito, and hi din po tita!" bati ni Regie sa mga magulang ko saka dire-diretsong pumasok dito sa kwarto ko. Pinagmamasdan ko lang siya dahil hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa niya sa'ken kagabi. "Oh, Regie nandiyan ka pala, kamusta kana? Parang lalo ka atang gumagandang lalake ah," masayang bati ni Nanay kay Regie. Agad naman itong pinamulahan, dinaig pa ang babaeng kinikilig. Pansin kong ibang-iba ang awra niya ngayon kumpara kagabi. Bumalik siya sa pagiging mabait at pagiging masayahin. I wonder kung may iba pa siyang katauhan pero sa ilang taon na nakasama ko wala naman ako nakitang kakaiba, Tanging kagabi lang.. siguro ay talagang nagalala lang siya sa akin. Hinayaan ko lang silang mag-usap habang ako ay ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit ko na dadalhin sa pagli

