Samantala, sa ospital ay kinausap ni Hans ang mismong doctor. Dati ay si Paris lang ang humaharap rito. But he decided that he wanted to know his own condition. "You can do whatever you want Mr. Monteblanco tutal ay regular ang daily session mo with your physical therapist. Pero maipapayo kong huwag mong masyadong pwersahin ang mga binti mong maglakad kung pwede mo ka namang gumamit muna ng panuporta." "Someone is being held by his own pride." Pasaring ni Paris na matikas na nakatayo sa isang tabi. At lihim iyung kinaiinggitan ni Hans. Pakiramdam ng binata ay inutil siya. "Mabilis ang progress ng paggaling mo." Pagpapatuloy ng doctor at ipinakita ang screen ng computer kay Hans. Naroon ang x-ray ng sariling katawan, partikular sa mga binti. "See, normal people needs more time to heal

