Hans XIV: Traumatic affliction

2222 Words

Napaigik si Hans nang muling balikan ng malay kasabay ng pagsigid ng kirot sa bandang ulo. Pinilit niyang kumilos pero nakatali ng mahigpit ang mga kamay niya sa likuran at ganuon din sa mga paa. Naka-fetus position siya ng higa at ramdam niya ang pag-alog ng kinaroroonan. Natiyak niyang nasa loob siya ng tumatakbong sasakyan. Kung saang parte ay hindi niya matukoy. Ang alam lang niya ay medyo madilim sa kinaroroonan at bukod sa tunog ng umaandar na makina ay tahimik ang kung sino mang kasama doon.  Kinalma at inases ang sarili. Kung sino ang dahilan ng pagkakagayun niya ay natitiyak niyang may kinalaman ang mga taong dinatnan niya sa lugar kung saan natagpuan ang abandunadong sasakyan. Ang lalaking tinawag na Andoy at and dalagang si Erika.  Nakabusal ang bibig niya kaya panay lang ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD