"Hey gorgeous!" Lumingon si Angela at napangiti nang makita ang kapatid. "Ace!" Pinasadahan nito ng tingin ang suot niyang red high low lace round neckline party dress. Kasal ng isang kasamahan sa modelling kung saan imbitado siya na ginanap sa isa sa mga function hall ng Martinez Hotel kaya siya nakasuot ng ganuon. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa restaurant dahil sa grupo ng pamilyang nag-dinner na naghanap ng manager dahil manghihingi ng discount. Kilala daw ng celebrant ang mommy niya. At halos kaaalis na ng mga ito kaya naghahanda na siyang umuwi. "Hello, handsome." Ganting puri niya rito at sinuri ang suot nitong black long sleeves at ganuon ring kulay na pang-ibaba. They said money can't buy happiness but it can definitely make a lot of changes to someone. Pwedeng-pwede na itong

