Dalawang linggo ang matuling lumipas. At sa paglipas ng mga araw ay unti-unti ng nawawalan ng pag-asa si Angela. Umiiyak parin siya sa gabi pero pinipili niyang magpakatatag para sa pamilya. Lahat ay nag-aalala na kasi sa kanya. Feeling pa nga niya ay parang tumanda ang itsura ng momny niya. Kahit hindi ito nagsasalita ay madalas niyang mahuling nakatitig ito sa kanya. Kahit ang pagdating ng Legrand Siblings ay tila hindi ganuong nakatulong sa paghahanap kay Hans. Malaki at maluwang ang Pangasinan. Idagdag pa ang mga karatig-probinsya na kailangang galugarin. Ang tanging maipagpapasalamat nila ay wala pang nahahanap na bangkay. If Hans is really dead, atleast dapat ay may nakakita na sa bangkay nito. They even used hundreds of cadaver dog pero parang bulang naglaho ang katawan ng kasinta

