Kinagabihan ay bumalik ulit Ako kay Mojahid at tamang tama ay wala si Belquess."Where is your Sweetheart?" Pang aasar ko kay Mojahid habang may nginunguyang tsi-tsirya. Nasanay na 'ata Ako sa mabahong amoy dahil nakuha ko pang kumain habang pababa rito. Iniisip ko nalang din na Barbeque flavor total halos mag kasing amoy na rin naman. "Ayon, may sumpong kaya tinurukan ng pampatulog. Maghubad ba naman sa harapan ko edi nag selos ang Asawa! Hay, buhay!" "Hoy Gurang, may kasalanan ka sa akin kagabi," singhal ko rito kahit busy Ako sa kakanguya. "What?" Takang tanong nito. "What ka diyan! Bakit ka nakisigaw kagabi? Ako 'yon, hindi multo! May tubig ka diyan?" Nasamid tuloy Ako bigla. "Dapat pala nagbaon na rin Ako ng soft drinks!" "Picnic area ba 'to Alex?" Naka-ismid na tanong nito sa ak

