"Where is Mom, Fiona?" Kararating lang namin ni Marcos galing kay Amirra. "Pumunta kay Dad. Sabi ko sasamahan ko siya pero kaya na raw niya," malungkot na sagot nito sa akin. "Hayaan na muna natin siya. It's been two weeks and we know how they love each other kaya mahirap para kay Mommy ang mag move-on." "Yeah, nawala na ang kinang sa mga mata ni Mommy na makikita natin everytime na kasama nito si Dad. Kaya Ako, ayaw ko na magmahal!" Pagmamayabang na sabi nito. "Well, let's see! Sinabi ko rin 'yan sa sarili ko kaya matanda na ako bago nakatikim ng biyaya ni Adan!" Natatawa kong sagot dito sabay hila kay Marcos pa-akyat sa kuwarto. Sobrang sakit para sa aming lahat ang pagkawala ni Daddy pero kailangan namin magpatuloy sa buhay. Kailangan namin maging malakas para na rin kay Mommy dah

