Araw ng Sabado at ngayon nga ang aking laban. Maaga akong gumising kahit na puyat galing sa pag asikaso sa Hospital ni Daddy. Nag unat unat muna Ako bago bumangon at dumeritso sa banyo upang maligo. Siguro nasa baba na si Marcos dahil Alas Otso na rin naman. Hindi nga Ako nagkamali dahil saktong pababa na Ako sa hagdan ay sakto naman ang pag akyat ni Marcos. "Good Morning, Mahal!" Bati ko rito sabay smack sa kaniyang labi. "Morning too, Baby! Gigisingin na sana kita para sabay sabay na tayong mag breakfast." Umakbay ito sa akin at sabay na kaming naglakad papunta sa kusina. "Good Morning, Mom, Sissy kong maganda like me!" Bati ko sa kanila. Dito na rin natulog si Mommy dahil nga laban ko ngayon at hindi puwedeng wala ito. "Ang blooming mo ngayon Ate ah?" "Siyempre palaging may dili

