"What the hell! Bakit ang baho rito?" Gusto ko na sanang bumalik pa-akyat sa itaas dahil sa sobrang sama nang amoy pero dahil nandito na rin naman Ako ay pinanindigan ko na. "Ano kayang mayroon dito? Well, may hinala na Ako pero baka may iba pa akong malalaman," tinalasan ko pa lalo ang aking pakiramdam at binuksan ang ilaw sa aking cellphone dahil sa sobrang dilim na rito sa ibaba. "Ano ba 'to? Wala akong ibang makita kungdi puro hagdan! May hangganan kaya ito? Ano langit lang self?" Nakakabaliw ang sobrang katahimikan dito kaya ang sarili ko na lang ang aking kaka-usapin. "Dapat pala binilang ko kung naka-ilang hakbang na Ako! Balik kaya Ako sa itaas? Dios ko, nababaliw na talaga Ako!" "Sh*t! May lagusan pero papunta saan kaya ang dulo nito?" Inayos ko ang ilaw nang aking cellphone

