ILANG buwan lang ang lumipas at wala pa ding balita ang magpipinsan lalo na si Kalvin kung nasaan ang babaeng iniibig. Marami ang mangyari sa nagdaang buwan, nandoon ang nalaman nilang nagdadalang tao na ang kanilang bunsong pinsan na si Anyah na humantong sa pag aasaran ng mga ito. Hindi naman siya nakaligtas sa asaran lalo na sa pangunguna ng kapatid na si Kean. Muli ay binuksan nito ang usaping paano kung buntis na ang dating katipan na si Jaila. Hindi alam ni Kalvin ano na ang gagawin, madaming tumatakbo sa isip nito na posibleng mangyari. Nandito na ang baka magkaroon ng bagong lalaking magpapatibok ng puso ng dalaga.. maaring sa muli nilang pagkikita ay wala na ang pag ibig nito sa kan'ya. Gabi-gabing siyang binabagabag ng konsensya, kalungkutan at mga tanong sa isip niya. Ayaw

