JAILA "Architect Jimenez," Agad akong napatingin sa pintuan ng office namin nang marinig ko ang boses ng isa sa mga senior namin. "Yes po, architect?" agad akong tumayo at lumapit dito. "Did you finish our first proposal design?" tanong nito sa akin na masaya ko namang tinanguan. "Yes, architect. I will send it to your email," tugon ko. "Okay! Good! Thank you, Aila!" masigla nitong turan sa akin bago muling isinara ang pinto kaya naman bumalik na ako sa lamesa ko. "Aila! Alam mo, mas napapadali ang trabaho ni architect pag ikaw ang kasama," saad ng isa sa mga kasamahan ko sa office. Yep! I'm working again dito sa isa sa mga firm ng Cebu City, wala nga lang ako sa Alegria dahil sabi ni Papa mas maraming business dito sa City kesa sa Alegria dahil nga naman ito ang capital ng Cebu. N

