Chapter 38

2157 Words

JAILA KINAKABAHAN akong bumaba ng taxi na kinontak ni Kean para mag hatid sa akin dito sa lugar ng ama ko. Alegria, Cebu. Hindi ko sigurado kung tatanggapin ako dito dahil sa pag kakaalala ko may iba ng pamilya ang tatay ko dahil nakabuntis daw ito. Kung hindi man nila ako patutuluyin ay malugod kong tatanggapin iyon pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. May pera ako na galing sa huli kong sahod pero hindi ko alam kung hanggang saan aabutin iyon, kakaunting lakas ng loob na lang din ang natitira sa akin at katulad sa pera ko ay hindi ko alam kung hanggang saan na lang din aabutin. "Magandang hapon ho," bati ko sa isang ale, "pwede ho bang magtanong?" "Maayong hapon man sa imo. Unsa na, ija?" nakangiti nitong tugon sa akin. Hindi naman ako agad sumagot dahil hindi ko naintindihan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD