JAILA ANG kaninang sinabi ko na pupunta kay Anyah ay napunta kay Kean. Ngayon ay nandito ako sa harap ng bahay niya at nag iisip kung pipindutin ba ang doorbell or hindi. Muli akong huminga nang malalim at pikit matang pumindot sa doorbell. Hindi naman ako nabigo dahil may narinig akong nagbubukas ng gate. "Ay Ms. Jaila! Kayo po pala," bati sa akin ng guard ng bahay ni Kean. "Hi, manong! Nandyan po ba si Kean?" tanong ko habang may tipid na ngiti. "Ay naku, Ms. Jaila! Umalis si Sir Kean kagabi pauwi ng ibang bansa, narinig kong nagkaroon ng emergency sa company nila doon," saad nito kaya parang bumagsak naman ang balikat ko sa sinabi niya. Pilit akong ngumiti dito bago nagsalita. "Ganon po ba? Sige po. Salamat po, kailan po kaya ang balik niya?" tanong ko dito. "Naku! Wala naman

