RED Nagising sya ng marinig nya ang tunog ng kanyang cellphone. Hindi,hindi pala isang panaginip ang nangyari sa kanila ni Garrie. Sa halip na kunin nya ang kanyang cellphone at sagotin,napatanga lamang sya at halos di makagalaw sa kinaroroonan nya. Kaya si Garrie na mismo ang sumagot sa tumatawag sa kanya. "Just a minute,please"anito sa kausap sa kabilang linya at pinasa sa kanya ang phone. "Hello?" "Hello Tol, I assume na ok lang ang asawa mo,diba sya yong sumagot?" Lumingon naman sya kay Garrie."Yes. Bakit ano bang nangyari?" "Sinundan ko sya pagkatapos ng klase nya,tapos pumasok sila ng mga kasamahan nya sa isang coffee shop. Nagtaka nga ako eh kung bakit ang aga-aga natapos yong klase nya. Pumasok rin ako sa coffee shop pero wala na sya don,yong mga kasamahan nalang nya ang naiw

