Papalubog na ang araw ng marating ni Red ang rancho. Hindi agad siya lumabas ng sasakyan. Binuksan lamang niya ang salamin na bintana. Iginala niya ang paningin sa paligid.
Nakakamangha ang paligid. Kulay luntian ang paligid. Sa di kalayuan ay makikita ang maraming puno ng mangga. Maririnig din ang huni ng mga ibon sa dapit hapon.
Sa kanyang kanang bahagi ay naroon ang villa. Bukas ang mataas at malapad na gate na tila ba sadyang binuksan iyon dahil alam ng mga taong narito na darating siya.
He now owns the place and has no regrets about purchasing it. The place was peaceful, and the sound of the birds, the cold breeze in the late afternoon, brought calmness to his senses.
He truly felt the serene calmness and peace in the place. Mula sa kinaroroonan ay tanaw niya ang porch ng villa. Kulay krema ang exterior ng buong villa, habang ang buong paligid ay hitik sa mga matataas at samu’t-saring ornamental plants na maayos na nakahelera sa buong paligid.
Ilang sandali lamang ay bumukas ang pangunahing pintuan. Tila bigla nabitin sa ere ang kanyang paghinga. Ang taong nagpapa-gulo ng isip at puso niya kanina pa ay lumabas mula sa pinto.
Serena is wearing a long tube white sunny dress. Bitbit nito sa kanan na kamay ang isang basket na gawa sa rattan. Ang ilang hibla ng buhok ay nakatali sa likuran na bahagi ng ulo at nakalugay ang ilang hibla sa magkabilang gilid ng mukha.
Tinatangay ng hangin ang buhok nito at nasisinagan ng sinag ng papalubog na araw ang mukha. Bigla ang pag-ihip ng hangin dahilan upang tumaas sa ere ang laylayan ng suot nitong bestida.
Oh! His heart is beating rapidly. He swallowed damn hard, nahantad kasi ang maputi at makinis nitong mga hita. Agaran ang pagresponde ng buong sistema niya, higit na ang kanyang simbolo. Napasinghap siya ng marahas. Ang lakas ng hatak ni Serena sa pagkatao niya.
Mahirap tanggapin na kaya nitong baliwin ang puso at pagkalalakì niya at maging ang isip niya. Hirap tanggapin na maliban sa babaeng pinakamamahal niya ay may isa pang babae ang pumukaw sa puso niya.
Pilit na inignora niya ang nararamdaman ngunit kahit anong gawin niyang pambalewala sa nararamdaman niya ay hindi niya kayang pigilan ang puso niya.
Lumihis si Serena sa kaliwang bahagi ng villa. Agad na binuksan niya ang pinto ng sasakyan at hinablot ang cellphone at nilagay sa kanyang bulsa at ang mga paa ay tila may sariling pag-iisip na humakbang pababa ng sasakyan habang ang paningin ay nanatiling nakasunod kay Serena.
Pumasok siya sa compound ng villa at sinunandan ito.
“Sino po sila—”
“Sshh!” nilagay niya sa gitna ng kanyang mga labi ang hintuturo. “Ako si Red william…” pabulong niyang tugon sa may edad na babae na sumalubong sa kanya.
Namangha ang may edad. Sumilay ang ngiti sa labi nito at pagkatapos ay tumango. Tinalikuran siya nito at saka muling pumasok sa loob ng villa.
Muli ay nilingon niya si Serena.
Wala na ang dalaga. Mabilis na inihakbang niya ang mga paa at sinundan ang direksyon na nilalakaran nito. Kapagkuwan ay natanaw niya ito sa gitna mismo ng garden. She is picking a fresh eggplant. Naghaharvest ito ng gulay. Garden ng mga gulay ang nasa kaliwang bahagi ng villa. Wala sa sarili na napangiti siya ng makita niya ito.
Bigla ay naalala niya ang likod bahagi noon ng mansion ng mga Altamerano noon. Mayroon din garden si Serenity sa likod ng mansion. Garden ng gulay. Mayroong kamatis, talong, sibuyas at pechay na nakatanim sa mga paso.
Ang pagtatanim ng gulay sa bakuran ay nagpapaalala kay Serenity noon sa namayapa nitong ina at kambal nitong si Destiny, maging sa kamabal nitong tiyahin na sina tiya Rosa at Rina. humugot siyang muli ng malalim na paghinga.
‘Why Serena?’
Heto na naman siya. Naglalakbay na nanaman ang diwa niya sa nakaraan habang nakatuon ang paningin kay Serena. Nakatalikod ito sa kanya habang nakatungo at namimitas ng gulay, kahit ang likuran nito ay katulad pa rin ng likuran ni Serenity. Ano ang gagawin niya ngayon? He felt like he was going to be insane.
Napapitlag siyang bigla ng maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa kanyang cellphone. Hinugot niya ang cellphone sa bulsa at tiningnan ang kung sino ang tumatawag.
Ilang segundo na tinitigan lamang niya ang pangalan ng caller sa screen ng cellphone. Isang malalim na pghugot hininga ang kanyang ginawa bago sagutin ang tawag.
“Sweetheart, what do you want for dinner?”
Ang masayahin at puno ng paglalambing na tinig ng asawa niya mula sa kabilang linya. Napalunok siya ng mariin.
“I’m not coming home tonight, Sweetheart.” Muli ay lumunok siya ng mariin sabay hinga ng malalim.
“Ganun ba?”
Ang masiglang tinig ng asawa niya ay biglang kumambyo. Nahihimigan niya ang lungkot. Nahilamos niya ang mukha. Conscience again hit him hard. Pwede naman kasi siyang umuwi kung gustuhin niya. Hindi naman kalayuan ang Manila.
Ngunit tila may pumipigil sa kanya. He was staring at Serena while talking to his wife.
“I’ll be home tomorrow afternoon, sweetheart,” gusto niyang sabihin na narito siya sa venezuela, ngunit hindi niya magawa. “I am out of town, pero pangako, sisikapin kong umuwi ng maaga bukas.”
Now he started to lie. nagtatahi na siya ng kasinungalingan at hindi na magawang kontrolin ang sarili.
‘Ano na ang susunod, Red? Ano?’
“Mag-iingat ka ha? May paparating pa naman na bagyo. Kapag masama ang panahon huwag mo pilitin na umuwi, mas mapanatag ako kapag nandyan ka kesa bumiyahe ka pabalik dito na may bagyo.”
Fvck, damn it!
Hindi deserve ng asawa niya ang lokohin. Hindi deserve ng asawa niya ang masaktan at higit sa lahat hindi deserve ng asawa niya ang isang taong katulad niya.
Damn him!
“I love you, Red!” Puno ng paglalambing na wika ng asawa niya mula sa kabilang linya.
“I—” naipikit niya ang mga mata. “I love you–” Binuksan niya ang mga mata at muling natuon iyon sa likuran ni Serena na ngayon ay abala pa rin sa ginagawa. “I love you too!”
It’s a lie.
Hindi tuloy siya sigurado kung para kanino ang katagang nanulas sa labi.
Damn him!
He is a big jerk!
A bastard!
Pagkatapos makausap si Kristal ay agad na isinuksok niya sa bulsa ang cellphone. Kapagkuwan ay marahan na humakbang. Muli at tumigil saka muling tumigil. Halos dalawang metro ang layo niya mula sa kinaroroonan ni Serena.
Hindi nakaligtas sa paningin niya ang bawat galaw nito. Panandalian na nakalimutan niya ang lahat. Ang kanyang isip; ang buo niyang atensyon ay natuon lamang kay Serena.
“Titigan mo na lang ba ako. Wala ka bang balak na tulungan ako?”
Nagulat siya sa bigla nitong pagsalita. Tuwid na itong nakatayo at nakatitig sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang paningin at panandalian na namayani ang katahimikan.
Her beautiful face and a smile that was painted on her lips, made him freeze for a moment. Ang huni ng ibon at ang tunog ng bawat pagpintig ng puso niya lamang kanyang naririnig.
Mariin na lumunok siya. “Bakit narito ka? I told you to rest.”
“I am resting here, Mr. William. Hindi mo naman siguro ako palalayasin hindi ba?” Tugon nito habang ang pag-ngiti ay nanatiling nakapagkit sa mga labi.
Mr. William.
Bakit parang hindi kaaya-aya sa pandinig ang pormal na pagtawag nito sa kanya. Bakit parang ayaw tanggapin ng pandinig na tawagin siya nito sa pormal na paraan.
“You shouldn't be here. Bakit ba ang tigas ng ulo mo. You should stay in Manila, which is near the hospital. Paano kung—”
“Okay lang ako.” Sansala nito sa iba pa niyang sasabihin.
Kapagkuwan ay inabot nito sa kanya ang basket. Hawak iyon ng dalawang palad. Hindi siya agad lumapit. Tinitigan niya lang ito. Maaliwalas ang mukha nito at hindi na maputla hindi tulad noong nawalan ito ng malay na mukhang papel at tila tinakasan ng dugo sa katawan.
He heaved out a deep sigh, then took a few steps toward her. Inabot niya mula rito ang basket. Mataman siya nitong tinitigan. Titig na tila tumatagos sa buo niyang pagkatao.
Gusto niyang iwasan ang pagtitig nito pero hindi niya magawa. Sa halip ay sinalubong niya iyon. Hanggang sa nakita niya pag-uulap ng mga mata. She was about to cry.
“S-Serena…” It’s almost a whisper.
Inangat ni Serena ang mukha at tumingala sabay pahid ng hintuturo ang magkabilang gilid ng mga mata. “I am okay. Mahangin kasi. Sensitive ang mata ko sa hangin. Naluluha ako.”
That was a lie. He knew she was lying.
“Buttercup umiiyak ka ba?”
“Hindi ako umiiyak. Mahangin dito sa rooftop at sensitive ang mata ko sa hangin kaya naluluha ako.”
A memory from the past. Nasa rooftop sila noon ng Altamerano Corporation. Hindi siya nagpakita rito buong araw at hindi niya sinundo sa airport. Ni tawag nito ay hindi niya sinagot, kaya galit na galit ito sa kanya.
Ang hindi nito alam ay naghanda siya ng isang surpresa sa rooftop. It was a romantic dinner kasama ang kanilang pamilya.
Ikinurap niya ang mga mata. Parang bigla ay kahapon lang nangyari ang lahat. Buhay na buhay ang bawat detalye ng alaala nilang mag-asawa sa isip at puso niya.
Muli niyang tinitigan si Serena. Nasa unahan na ito at namimitas na ng sitaw. Her every movement was graceful. She is Serena, and not Serenity. Pero bakit? Bakit lagi na lamang niya nararamdaman ang presensya ng namayapa niyang asawa sa pagkatao nito.
“Gusto mo ba ng pakbet?”
“What kind of heart disease do you have?” Sa halip ay balik tanong niya.
Lumingon sa kanya si Serena. Ngumiti ito. “Magaling na ako.”
“Just answer my damn question, Serena!” mababa ngunit mariin niyang wika.
Tumitig ito sa kanya. Lumunok ng mariin bago bumuka ang mga labi. “I— I have heart valve damage at birth.”
“Heart valve damage at birth?!” Bulalas niyang tanong. Tama ba ang narinig niya?
Heart valve damage. katulad iyon sa sakit ni Serenity. Nagkataon ba itong lahat? Katanungan na biglang lumitaw sa isip niya.