KABANATA 17.

1969 Words
Agad na pinunasan niya ang kanyang mga luha at agad akmang bumangon. Ngunit ang kanyang akmang pagbangon ay naudlot. “Hi, Serena, how are you feeling?” Si Kristal na biglang sumulpot mula sa likuran ni Red. “I—I am ok…” halos pabulong niyang tugon sabay na marahan na inayos ang kanyang paghiga. She did the best she could to compose herself. Kahit mahirap. Simula umpisa inaasahan na niya ang hirap ng pagdaanan upang makuha muli ang lalaking mahal niya. Narito na siya. Kaya kakayanin niya. Kahit masakit. “Hindi mo kailangan pumasok bukas. Manatili ka rito hanggang sa bumuti ang kalagayan mo,” ani Red habang nakatitig sa kanya. Hindi ito kumukurap at maging ang tinig nito ay matatag. “Okay naman a—” “That is an order, Miss de Jesus!” Puno ng otoridad nitong putol sa iba pa niyang sasabihin. Maliwanag pa niyang nakikita ang paggalaw ng panga nito. Oh, his man. The love of her life. Ang kanyang pula, hindi pa rin ito nagbabago. Pagdating sa kalusugan niya ay mahigpit ito. He cared for her so much. “Tama ang asawa ko, Serena,” sansala ni Kristal. Ikinawit nito ang braso sa braso ni Red saka hinaplos habang nakangiti itong nakatitig sa kanya. “Kailangan mo ng pahinga.” Tanging hilaw na ngiti lamang ang kanyang itinugon. Seeing another woman near the man he loves, touching him and calling him ‘asawa ko.’ was so damn painful. Lugar niya dapat ang kinatatayuan ni Kristal ngayon, siya ang dapat humahaplos dito ngayon at katabi nito. Ngunit heto siya walang magawa at nasa isang tabi tinitiis ang matinding sakit sa dibdib. “Hindi mo kailangan pumasok sa loob ng dalawang linggo. Don’t worry, the company will still pay you. You need to stay here at the moment and do some tests. Sundin mo ang gusto ng doctor.” Utos iyon. Lakas loob na sinalubong niya ang paningin ni Red, lihim na na naikuyom niya ang kamao sa bedsheet. She saw fear in Red’s eyes. Marahil nanariwa sa isip nito ang nakaraan. Ang kanyang kondisyon ay nagpapaalala rito sa tunay na siya. Red, is been with her since the day one she was confined at a heart medical center in the US. namutawi ang ngiti sa kanyang mga labi. “Okay lang ako. Huwag kayong mag-alala.” sinabi niya iyon habang sinalubong ang paningin ni Red. Red clenched his jaw. “Gusto ko ang masusunod. Manatili ka rito hanggang sa maisagawa ang lahat ng tests.” Yumuko siya. Sapat na ang nakikita niyang pag-alala sa mukha ni Red upang mapawi kahit paano ang nararamdaman na hapdi at kirot. “Sweetheart, she will be okay, stop worrying. Kailangan na nating umuwi. Hating gabi na. Kailangan mong magpahinga,” hinaplos muli ni Kristal ang pisngi ni Red. “Kanina pa tayo rito.” Kahit na kumikirot ang dibdib sa nasaksihan na eksena ay hindi niya magawang ibaling ang paningin. Ang kanilang paningin na magkaugnay ay nababalutan ng emsyon na hindi maisawalat ng kanilang mga labi. Si Red ang unang bumitaw. Lumingon ito kay Kristal at ngumiti. “Let’s go.” Hindi ito lumingon sa kanya. Tuloy-tuloy lamang ito sa paglalakad palabas ng silid. Nang tuluyan na makalabas ay saka lamang niya inilabas ang kaninang emosyon na hindi niya kayang ilabas sa harapan ng mga ito. Napaupo siya. Sapo niya and dibdib at saka hinayaan na dumaloy ang mga luha at pinakawalan ang mga hikbi. Sa pag-alis ni Red kasama si Kristal, kung anu-ano na naman na mga senaryo ang naglalaro sa isip niya. Ang hirap. Sobrang hirap at sakit. Magkasama ang dalawa sa higaan, magkayakap, maghahalikan at higit sa lahat magniniig. Those scenes that played in her head made her feel suffocated, made her feel the unbearable pain. Ngunit wala siyang magawa. Ang tangi niya lamang magawa sa ngayon ay manatili sa kinalalagyan. Ngayon lang ‘to. Babawiin niya ang pagmamay-ari niya. Ibabalik niya sa dati ang lahat. Kahit kapalit muli ay ang dangal niya at pagkatao. —- — — — “I am your attending physician, Miss de Jesus, I am Trinity Quijano Villareal a cardiologist.” isang matangkad na babae ang nakatayo sa kanyang harapan. The woman was stunning in her white suit. Maputi at maamo ang mukha. “Hindi tayo nagkita kagabi dahil wala ka pang malay ng narito ako. Dapat si Mrs. William ang narito ngayon kasi pinaubaya ko na sa kanya ang case mo, kaya lang tumawag at kailangan daw samahan ang manugang sa gynecologist.” Gynecologist? Buntis na ba si Kristal? Sumipang muli ang kirot sa dibdib kasabay ng hindi kaaya-ayang pagtibok ng puso. Nahaplos niya ang dibdib kasabay ng sunod-sunod na paghinga. Dumoble ang kirot at hapdi. Tawagin siyang makasarili, ngunit lagi niyang pinagdadasal na huwag sana mabuntis si Kristal. Huwag! Hindi pwede! “Miss de Jesus!” Naangat niya ang paningin. “I— i need to go.” sa halip ay tugon niya. Hindi niya alam ano ang gagawin niya sakaling mabuntis si Kristal. Hindi niya kakayanin iyon. Akmang tanggalin niya ang suwero na nakakabit sa kanyang pulso ngunit mabilis na pinigilan iyon ng doctor. “No you can’t just leave like that. Ibinilin mabuti ni Mr. William na bantayan ka at suriin.” “Please—” hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Bumagsak ang mga luha. Kumawala ang mga hikbi. Napayuko siya at walang humpay ang pagdaloy ng mga luha. Hanggang sa maramdaman niya ang paglapat ng dalawang palad sa kanyang magkabilang balikat. Marahan na tinapik-tapik nito ang balikat niya. It was a comforting tap. “Just cry, just cry. If you want to scream. Scream….” She did. Ang hikbi ay naging hagulgol. Humawak siya sa magkabilang bahagi ng coat ng doctor na tila doon kumukuha ng lakas sabay ibinaon ang mukha sa puson nito. Doctor Villarreal hugged her and caressed her back. Hinayaan lamang siya nito sa pag-iyak. Umabot ng halos kalahating oras ang paghikbi niya. Kahit papano ay nakatulong iyon upang gumaan ang bigat sa dibdib. Ngunit ang hapdi at ang kirot ay nanatiling naroon. Sinunod niya ang sinabi ng doctor at gustong mangyari ni Red. Tinapos niya ang pagsusuri sa kanya. Nang matapos ang Cardiac CT scan ay agad na lumabas siya mula sa silid ng pagsusuri. Pagbukas niya ng pinto ay agad si doktora Trinity Villareal ang kanyang nakita. Ngumiti sa kanya ang magandang doktora. Her smile was comforting. Gumaan talaga ang loob niya simula kanina ng hinayaan siya nitong umiyak. Dinamayan siya ng doktora ng walang tanong-tanong. Hinayaan lang siya nito na ibuhos ang lahat ng bigat sa dibdib sa pamamagitan ng pag-iyak. “Are you ok?” Tanong nito sa kanya. She nodded with a smile on her face. “Oo. Maraming salamat!” “Don’t mention it. I know how you feel. I've been there. Lalabas ang resulta ng pagsusuri sayo sa susunod na araw, and for now pwede ka na munang umuwi. Wala bang magsusundo sa’yo? Should i call Mr. William?” Mabilis na umiling siya sabay wasiwas ng mga palad sa ere. “Huwag na. Okay, lang ako.” “Fine. Ingat ka! Call me sometimes if you need someone to talk to. Mas maganda may kausap at masabihan tayo minsan sa mga sama ng loob at hinaing natin sa mundo. Hindi pwedeng solohin. Kahit sino magkakasakit talaga sa puso kapag sobra-sobra na ang bigat. Kaya dapat minsan pakawala natin ang iba at magdadala ng sakto lang. Yung saktong kaya lang.” Uminit muli ang magkabilang sulok ng mga mata niya. Papatak na naman ang luha niya ilang sandali. Hindi dahil sa masakit ang puso niya. Kundi dahil sa tuwa. Despite the heartache, may maganda pa rin nangyari. Nakahanap siya ng isang kaibigan sa katauhan ni doktora Trinity Villareal. She couldn't help herself but hugged doctor Villarreal. Umusal siya ng pasasalamat sa doktor. Pagkatapos itong yakapin ay agad na nagpaalam siya. “Serena.” Napahinto siya. Ang kamay ay nakahawak na sa seradura. Sa halip na buksan ang pinto ay napalingon siya. “Yesterday while you're unconscious, nakita ko sa mga mata niya ang matinding pag-alala. Hindi lang basta pag-alala. I saw fear in his eyes. Kahit anong kumbinsi ni Mrs. William sa kanya na umuwi ay hindi siya nakinig.” Napakurap siya. Muli ay ngumiti si doktora Trinity. “Don’t be too hard on yourself. Kapag masakit na, kapag sobrang nahihirapan ka na, all you have to do is paused, and reflect.” “Salamat!” Umalis siya sa hospital dala sa isip ang mga katagang sinabi ni doktora villareal. Kung kanina ay ang pagtungo sa opisina ni Red upang makita ito ang gusto niyang gawin, ngayon ay biglang nagbago ang isip niya. Sa halip na sa opisina ni Red, ay tumungo siya ng valenzuela kung saan naroon ang Rancho ni Mang Nestor. Gustong-gusto niyang makita si Red, ngunit nalilito siya sa kung ano ang sasabihin niya sakaling magkikita sila ngayon. Marahil ay tama si doktora Trinity. She needs to pause. Ang isipin na buntis si Kristal ay tila isang malaking balakid sa planong pag-agaw muli sa lalaking mahal niya. Hindi niya alam kung kaya pa ba ng konsensiya niya sakaling may isang munting anghel ang madadamay. Ngunit paano siya? Hindi niya kayang mawala sa kanya ang lalaking mahal niya. Ang taong naging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay lumalaban pa rin siya. “Ma’am, Serena!” Bulalas ng mayordoma ng villa ng makita siya. “Manang, Linda, magandang hapon po!” “Magandang hapon, ma’am. Hindi ka naman nagpasabi na darating ka ngayon, ‘di sana nag pahuli na ako ng manok kay Dado,” ani manan Linda. Kapagkuwan ay tumitig ito sa mukha niya. “Masama ba ang pakiramdam mo, Iha? Namumutla ka?” Napangiti siya. Ito talaga ang gusto niyang marinig parati sa mayordoma. Iyong tawagin siyang iha. Pinipilit niya kasi ito palagi na huwag sobrang pormal sa tuwing nag-uusap sila. Pero talagang matigas ang ulo. Baka raw marinig siya ng iba at gumaya ang mga ito. “Gusto ko po ng sinabawang gulay, Manang.” Nakangiti niyang tugon. “Sige-sige ipagluluto kita. Tamang-tama maraming ani na gulay ngayon. Dapat ka ngang mag gulay at sobrang putla mo na.” Agad tumalima si Manang Linda. Ngunit natigil ito ng muli niyang tawagin. “Manang, pakitanggal po ang mga litrato ni Destiny at ng kambal sa lahat ng sulok maging ang mga nakasabit sa pader pati na po ang mga larawan ni Papa at mama. Huwag po kayong mag-iwan ni isang larawan ng pamilya ko sa loob ng bahay. Lahat po paki-tago sa loob ng basement.” ******* “Why did you let her go?” Malakas na sigaw ni Red sa taong nakatalaga sa nurse information desk. Bumuka ang labi ng nurse ngunit hindi na niya iyon binigyan ng pagkakataon na magsalita. He rushed out the hospital. Diretso na tumungo siya pabalik ng opisina. As he reach his office, agad na tinawagan niya ang HR at pinakuha ang impormasyon tungkol kay Serena. Sobrang nag-aalala siya. Gusto niya itong balewalain ngunit ang lintik niyang puso at malaking bahagi ng isip ay hindi nakikisama. Kung tutuusin wala naman siyang pakialam. Ngunit ang loob niya ay sobrang balisa. Hindi niya makontrol ang sarili. Tila may humihila sa kanya na puntahan ito at siguraduhin na nasa maayos itong kalagayan. Ang puso niya ay sobrang naninikip sa hindi mapaliwanag na dahilan. No hindi siya makatulog magdamag sa kakaisip sa dalaga. Is he gone insane? Maybe. Dahil kapag hindi niya ito makita ngayon, baka mababaliw siya. Yesterday while looking at her pale face, it was Serenity’s face he saw, and the scar of surgery in her chest, same as Serenity, he suddenly felt scared. Everything that happened in the past suddenly played in his head. Nanariwa ang lahat. Gad knows, how scared he was.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD