“Kara, ask the HR to find an available position for those who do not pass the secretary position interview today. Those individuals need a job.”
“Sige sir.”
Napangiti si Serena. This is what he really loves about Red, ever since. Sobrang bait at matulungin nito sa kapwa. Katunayan sagad na sagad ang utang na loob niya rito. Red, save her twin and her niece.
“And Kara.”
“Yes sir.”
“Cancel all my appointments this afternoon. I have a coffee date with my wife.”
Napahigpit ang pagkapit ng isang kamay niya sa sling ng kanyang shoulder bag. Ang folder na hawak ng isa pang kamay ay halos madurog niya.
Sumipa ang matinding kirot sa kanyang dibdib. Kung kanina ay tumitibok ang puso sa matinding excitement, ngayon ay tumitibok iyon na may kaakibat na matinding kirot.
She felt so damn hurt. She felt so envious.
Siya dapat ang kasama nito ngayon, sa kanya dapat nito nilalaan ang oras nito. Siya dapat ang nasa tabi nito. Kayakap, kahalik, at higit sa lahat kaniig. Napayuko siya. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng mga luha.
Parang sasabog ang dibdib niya sa matinding panibugho. Sobrang sakit. Sagad na sagad sa kaibuturan niya. Sino ba ang dapat sisihin sa lahat ng pasakit na nararamdaman niya ngayon?
Sino ba?
Sarili ba niya?
Ang kapalaran ba?
Hindi? None of the above. Walang ibang sisihin kung ‘di ang isang taong naging dahilan ng lahat ng ito. Walang ibang sisihin kundi ang kasakiman sa kapangyarihan at kayamanan ng isang taong naging ugat sa lahat ng paghihirap niya at ng kanyang pamilya.
She raised her head. Mariin na lumunok siya. Umangat ang kanan na kamay niya at marahas na pinahid niya ang kanyang mga luha. Babawiin niya ang isang mahalagang bagay na pagmamay-ari niya.
Babawiin niya ang kaligayahan niya.
Hindi siya titigil hanggat hindi niya nakakamit iyon. Red is her joy, her comfort zone. She needs her joy and happiness back.
Mula sa pintuan ay nag-isang lingon siya sa loob ng opisina ni Red. Mula sa kinatatayuan niya ay malinaw niya itong nakikita. He is smiling at his secretary, while talking to her. Maging ang pinag-uusapan ng dalawa ay malinaw na naririnig niya.
‘Babalik ka sa akin, Pula, gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang muli.’
She is determined to get him back whatever it takes. Isang hinga ng malalim ang kanyang ginawa at buong lakas na inihakbang ang mga paa upang umalis.
Kailangan niyang lisanin ang lugar na iyon dahil konting-konti na lang talaga ang natitirang pagtitimpi sa pagkatao niya. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na huwag itong yakapin at halikan.
Kailangan niyang magtimpi. Hindi ngayon ang tamang oras na gawin ang mga nasa-isip niya. Ibang mukha, ibang pagkatao ang meron siya. Ayaw niyang masira ang plano niya.
She is Serena de Jesus and not Serenity Altamerano. Patay na para kay Red si Serenity. Patay na, pitong taon na ang nakalipas. It was the hardest and most painful truth that she needed to keep in mind. Ngunit ang katotohanan na iyon ay hindi magiging hadlang upang bawiin ang bagay na pagmamay-ari niya.
She will have him back. She will have her husband back even if it means becoming his mistress. The hell does she care about what people think? The hell does she care about that woman, Kristal? All she cares about right now is having her happiness and comfort zone back.
******
Napatingin sa bukas na pinto si Red. Nahagip ng paningin niya ang likod ng babae. Kahit na nakatalikod ito at wala na sa kanyang paningin alam niyang si Serena de Jesus ang babae.
“Kara, huwag mo muna akong timplahan ng kape. I want to reduce my caffeine intake.”
“Hindi naman po matapang ang kape nyo sir. Half teaspoon nga lang ang kape na nilalagay ko at more on coffee cream.”
“No, just don’t make me coffee.”
“Ok.” Maikling tugon ni Kristal na sinabayan ng mahinang pagtawa.
Her heartbeat is racing. Habang kausap niya ang babaeng iyon kanina, panay ang tambol ng dibdib niya. He can’t even take his eyes off her eyes. It felt like a magnetic energy in her eyes made him stare at them.
And those eyes were very familiar, maging ang bango ng babae ay pamilyar sa pang-amoy niya at higit sa lahat ang tinig.
Pitong taon man higit ang lumipas ngunit hindi mawala-wala sa isip niya ang imahe ng dating asawa. Bawat kurba nito, ang anggulo mula ulo hanggang paa, ang tinig at ang kulay at hugis ng mga mata ay nakaukit iyon sa isipan niya.
Paano ba niya makakalimutan ang asawa kung sa bawat araw na ginawa ng Diyos ay pinapaalala nito sa kanya ang asawa niya, na maging sa pagtulog ay mukha nito ang nakikita niya na animoy buhay na buhay pa rin.
Seven years had passed since his Serenity left this world but the wound and pain is still fresh. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Tila iyon masamang panaginip na ayaw tanggapin ng sistema niya.
Napabuga tuloy siya ng hangin. Habang kausap niya ang babae kanina. Tila niya kausap ang namayapang asawa. Funny, but the more he stared at her and listened to her voice, her face slowly shifted to his wife's image.
Ilang beses na ikinurap niya kanina ang mga mata upang bumalik lang sa normal ang paningin. His thoughts told him to not hire the woman as his secretary, but his mouth slipped. He ended up hiring her. Parang may sariling isip lang ang kanyang bibig.
Naisandal niya ang likod sa swivel chair. Nahilot niya maging ang kanyang sentido. He closed his eyes while massaging his temple.
“Pula, trust me this one, huh? Kaya ko naman.”
“Buttercup, you know I trust you, Love. Pero sunod-sunod ang—”
“Pula,” yumakap ang mga braso ng asawa niya sa kanyang leeg at tumingala ito sa kanya. “I don’t waste time on things I can’t handle, mahal. Isa pa, nandyan ka naman—nandyan ka na masasandalan ko, laging handa na saluhin ako at higit sa lahat— nandyan ka bilang pahinga ko.”
All the doubts and fear suddenly went in a thin air. Tila bola na tinangay ng hangin sa sandaling napatitig siya sa mga mata nito. Sa isang iglap ang mga labi ay muling naglapat at ang kanyang puso ay tila dinuduyan dahil sa matinding tuwa.
“Serenity…love, sobrang namiss na kita…”
Wala sa sarili na sambit niya. Ngunit sa gitna ng pag-alala sa nakaraan at paglalaro ng imahe ng yumaong asawa sa kanyang isip ay bigla ang paglitaw ng mukha ni Kristal.
Bigla niya tuloy naimulat ang mga mata.
Oh, how pathetic he is.
He is a fvcking married man. Married to a fine woman, a good and kind woman. But here he is, he was still tied to the past and longing for his late wife. Pag-aasam at pagnanasa na kahit kailan ay hindi na matugunan.
His love for his late wife will always remain, no matter what. Nag-iisa lamang si Serenity at mananatili ito sa puso niya. Kristal was with him physically, at gagawin niya ang lahat upang matugunan lamang ang pangangailangan nito, maliban sa isang bagay na hindi niya buong maibigay.
Yun ay ang pagmamahal na nagmumula sa puso niya, dahil kahit anong gawin niya, ang puso niya ay nakalaan na sa yumaong asawa. Serenity owned his heart, and it will forever be.
Red is smiling while staring at his wife. Nasa paanan siya ng mahabang hagdan. Habang ang asawang si Kristal ay pababa ng hagdan. She is beautiful in his white black mini dress.
Litaw ang makinis at maputi nitong kutis mula sa leeg, balikat, patungo sa cleavage. Maging ang collarbone ay kaaya-ayang tingnan. Litaw maging ang mahaba, makinis at maputi na mga hita. Maging ang mukha ay maamo at kaygandang pagmasdan.
Walang sino man na lalaki ang hindi maaakit sa ganda ni Kristal. Kung tutuusin, sobra siyang swerte dahil na kay Kristal na ang lahat ng katangian ng isang babae na hinahanap ng isang lalaki. Ngunit sadyang hindi natuturuan ang puso.
The ironic thing about love is that you can’t choose who you will fall in love with. The heart seems to have its own brain and choices that even the mind can’t handle. Yung kahit na nasa isang tao na ang lahat ng katangian at dahilan upang mahulog ang loob mo, hindi mo pa rin magawa na mahalin ito dahil sa kontradiksyon ng puso.
Pathetic.
If loving his late wife is being pathetic, so let it be. Ang mahalaga ay nagagawa niya ang obligasyon niya kay Kristal, nagagawa niya ang obligasyon niya bilang anak sa kanyang mga magulang.
Agad na pumulupot ang mga braso ni Kristal sa katawan niya. Niyakap siya nito ng mahigpit na agad naman niya tinumbasan.
“I miss you my dear, husband…” bumitaw ito sa kanya. Hinaplos nito ang dibdib niya at nakatingala sa kanya habang nakapagkit sa labi ang matamis na ngiti.
Ngumiti siya. “Shall we?”
Tumango si Kristal at kapagkuwan ginawaran nito ng halik ang mga labi niya na walang pagdalawang isip niyang tinugon.
The night wind blows na tila yumakap sa katawan ni Red pagbaba niya ng sasakyan. He was wearing his three piece suit, ngunit tumatagos pa rin ang lamig sa katawan niya.
It was ber months. Kaya malamig na ang simoy ng hangin. Agad na lumihis siya sa kabilang side ng sasakyan at pinagbuksan ng pinto ang asawa.
“Thank you!” She again gave him a soft kiss on his cheek.
Napangiti siya. Ngunit ang ngiti ay tila bola na naglaho ng maaninag ang pamilyar na mukha sa loob ng cafe na nasa tapat niya mismo. Malinaw na naaninag niya ang loob ng coffee shop dahil sa salamin ang silbing pader nito.
The woman is wearing a black long sleeve and black apron. Nasa palad nitong nakaangat ang platter na naglalaman ng tasa. Ilang metro ang layo niya mula sa caffee ngunit alam na alam niyang si Serena ang kanyang natatanaw.
What is that woman doing in the cafe? Is she working in this coffee shop? Obvious naman na nagtatrabaho ito doon dahil sa suot nito. Huminga siya ng malalim. His heart is beating rapidly again for an unknown reason.
“Sweetheart?”
Napapitlag siya.
“Let’s get in.” Tugon niya ng hindi humihiwalay ang paningin sa babae. He took a deep sigh. Niluwagan pa niya ang suot na kurbata.
parang bigla kasi siyang nahirapan sa paghinga dahil sa paghurmintado ng puso niya.