Chapter 49: Pumasok sa trabaho Nagising ako na nagtataka kung bakit nasa kwarto na ako nakahiga sa kama kaya bumangon ako agad at lumingon lingon sa paligid ko. Hindi ko alam kong bakit napunta ako dito naalala ko lang ay nagbabyahe pa naman kami papunta rito pero naalala kong nakatulog yata ako sa sasakyan. “Binuhat ako ni Anton papunta rito at hindi ginising?” tanong ko sa sarili. Kasi kung hindi niya ako binuhat alangan naman na naglalakad ako na nakapikit papunta rito impossible naman ata yun basta yung kutob ko ay binuhat ako ni Anton papunta rito. Tumayo naa ako at pumunta sa banyo. Nang makalabas ako ng kwarto ay pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig nauuhaw ako. “Anong oras na kaya?” "Nasaan ba si Anton masyadong tahimik yata ang bahay?" Uminom na muna ako ng tubig

