Chapter 86: Simula ng Pagbabago Natahimik na kaming dalawa habang kanya kanyang inom ng mga gatas at kape namin. Hindi ako tumingin kay Anton dahil naiilang pa ako masyado sa nangyari. Hindi rin naman niya ako kinulit at kina usap pa hinayaan niya ako sa aking puwesto. Doon lang ako napatingin sa kanya ng bigla na siyang tumayo kumunot agad ang aking noo kaya di ko mapigilan ang sarili na magtanong sa kanya. “Tapos ka na?” “Saan ka nga pala pupunta,” dagdag ko pa. Parang hindi makapaniwala si Anton na nagtanong ako pati ako nabigla sa sarili kong bakit ko iyon na tanong sa kanya. Kahit na nabigla si Anton ay ngumiti naman siya agad sa akin saka sinagot ako. “Tapos na ako Anna naubos ko na ang kape tumayo ako dahil magsasaing na muna,” ani niya. “Ahh ganun ba akala ko saan ka pupuna.

