Chapter 103: Maayos na ang Pakikitungo Napabangon si Anton sa pagkakahiga dahil sa ginawa kong pag gising sa kanya. “Shittt mag aalas 4 na pala ng hapon Anna hindi pa tayo nakakain ng tanghalian,” sabi nito. “Ayos lang Anton medyo mahaba ang naging tulog kasi natin.” “Oo nga dito na rin ako natulog para masamahan ka kaya pasensya na kong tumabi ako sayo.” “No, hindi Anton ayos lang talaga sa akin huwag kang mag alala hindi ka naman malikot matulog saka malaki naman ang kama kasya kahit tatlong tao pa.” “Kunsabagay Anna binabantayan lang naman kita kaso nakatulog din pala ako.” “Ang tagal mo siguro natulog kagabi?” tanong ko sa kanya. “Parang ganun na nga mag aalas 12 na ata yun ng madaling araw ako natapos.” “Bakit mo naman tinapos pala lahat Anton kakailanganin na ba agad na ma

