Chapter 45: Hindi nakauwi Naiilang man ako sa sitwasyon namin ngunit wala akong magagawa itinoon ko na lang sa panonood ang aking atensyon ng hindi ko masyadong maisip ang mga kamay ni Anton na nasa aking baywang. Tinapos na muna namin ang panoonood ng palabas bago namin naisipang umalis na para puntahan si Inay sa palengke at ipag paalam ang aming bunsong kapatid na dito sa kanila matutulog ng hindi mag alala si Inay sa kanya. “Pa , ma aalis na po kami ni Anna,” pagpapaalam ni Anton sa mga magulang. “Sige mag ingat kayo,” sagot naman ng mama nito habang tumango lang ang papa niya sa kanya. “Alis na po kami ma at pa,” ani ko na rin. “Bunso huwag kang magbigay ng problema nila mama at papa dito tulungan mo sila,” bilin ko sa kapatid. “Oo ate magpakabait po ako rito,” nakangiti

