Chapter 79: Mau Magbabago kaya? Pagkatapos kong kumain ay siya rin namang pagdating ng doktor para tingnan ang magkabila kong binti. Kaya natigil rin ang usapan ni Anton at ni bunso nang makitang nandiyan na ang doktor na siyang nag aasikaso sa akin. Lumapit ang doktor sa akin saka chineck ang aking binti pati rin si Anton ay lumapit. Habang si bunso ay nanatiling nakaupo sa kanyang puwesto ngunit nakamasid naman sa amin. “Masakit pa rin ba?” tanong ng doktor. “Opo dok,” sagot ko naman sa kanya. “Alright ganyan talaga iyan isang araw pa lang naman dito ka na muna para magpagaling,” sabi ng doktor. “Okay dok thank you.” “Sir heto ipainom niyo sa kanya 2 times a day at huwag kalimutan para mapabilis ang pagrecover niya para puwede naa kayong makauwi basta medyo maayos na ang asawa mo,

