Chapter 56: Napaayos Na Hindi alam ni Anton kung nasaan ang asawa niya dahil pag gising niya ay agad siyang nagpunta saa kusina para uminom ng tubig saka siya nagtungo sa kwarto subalit wala roon ang kanyang asawa hindi niya nakita ito kaya nagtataka siya. Nagtungo na muna siya sa banyo upang gawin ang dapat gawin sa unaga saka niya hahanapin ang asawa. “Anna?” tawag niya nito ng makalabas siya ng kwarto. Wala sa loob ng bahay ang babae kaya naisipan ni Anton na lumabas at baka nasa labas ito. Naang makalabas si Anton ay nakita niya ang bakuran na sobra ng linis nawala ang mga tuyong mga dahon na nagkalat kahapon. Malinis na ang bakuran nila at ang nga halaman ay maganda na tingnan dahil diniligan iyon ng tubig nawala ang mga alikabok. “Ang aga ata naglinis ni Anna,” napangiti niyang

