Chapter 58: Nirerespeto “Ano ba Anton bitawan muna ako hindi ako makahinga,” pagsisinungaling kong sabi sa kanya. Dali dali naman ako nitong binitawan at agad naman akong tumayo ng lumuwag yung hawak niya sa akin. “Im sorry Anna,” sabi nito. Humarap ako sa kanya ngunit medyo lumayo ako kunti para kung sakaling gusto niyaa akong hawakan sa kamay ay hindi niya ako maabot. “Anton nakauwi na ba si Manong Tonyo?” “Kanina pa Anna natapos na kami banda alas kwatro nakauwi na iyon kaninag alas singko e medya,” sagot nito. “Ah ganun ba nakatulog kasi ako kaya hindi ko kayo nadalhan ng meryenda pasensya na.” “Ayos lang.” “Doon kana sa kwarto magpahinga Anton gigisingin na lamang kita kong matapos naa ako magluto ng para hapunan natin alam kong pagod ka,” wika ko. “Dito na muna ak

