Chapter 70: Masamang Balita Naligo na ako para sumama kay Inay sa palengke para naman makapagpahinga si Alma ngayon kahit sino sa kanila ni bunso ang papalit sa akin mamayang gabi. “Ate Anna kain na po tayo Ate,” sabi ni Alma sa akin sa labas ng pinto. “Susunod ako Alma magbibihis pa lang ako,” sigaw ko namang sagot sa kanya. “Sige ate Anna hihintayin ka namin sabi kasi ni Inay magsasabay tayo kumain.” “Oo sige.” Kaya nagmamadali na ako sa pagbihis para makalabas na hindi na nga ako nagsuklay pa ng buhok bahala na. “Umuna na po sana kayo kumain Inay,” sabi ko ng makarating sa hapag kainan. “Mas mabuting sabay na tayong kumain Anna sige na maupo kana at magsisimula na tayo. Lumipas ang sunod sunod na araw ay ibinaling ko sa ibaang bagay ang aking atensyon at kinalimutan ko ang naka

