Chapter 75: Matagumpay na Operasyon Kinabukasan ay naoperahan na ako sa magkabilang binti sa awa naman ng diyos ay naging matagumpay iyon. Labis na labis ang pasasalamat ko sa panginoon dahil dininig niya ang aking panalangin sa maayos na operasyon. Hindi rin naman ako pinabayaan ni Anton lagi siyang nasa aking tabi. Nasa loob na ako ng kwarto nailipat dahil magpapagaling pa ako ng ilang linggo dahil kaka opera lamang e momonitor pa ni doktora ang naging operasyon ko. “Anna hindi na muna makakapunta rito sila mama dahil may lakad silang importante saka kakaopera mo lang raw kaya sa susunod na araw na sila bibisita,” sabi sa akin ni Anton. “Oo ayos lang Anton.” “Alright Anna.” Pinapahinga ako ng doktor para hindi mabinat ang aking mga buto dahil kakaopera lamang. Bumisita naman si Ina

