I feel it, when my husband kissed me on my lips pero naamoy ko ang matamis na pabango sa leeg niya.
Alam kong may babae siya, hindi ko lang mapatunayan. Hindi ko lang din maamin sa sarili ko na may kahati ako.
"Miss..." Agad akong napalingon nang may narinig akong tinig. Tumaas ang kilay ko nang matagpuan ko ang isang lalaki na nakahandusay sa gilid, hawak-hawak ang kaniyang binti. “Pwede makahingi ng tulong?”
Tinignan ko siya ng maigi, parang nahihirapan ang itsura niya. Lumingon ako sa likod, tinignan kung may kasama ba siya o baka naman ay parte ito ng scam nila. Baka mamaya after ko tulungan ay saksakin na lang ako. Edi, ako naman ngayon ay manghihingi ng tulong.
Pero dahil wala naman at mukha namang maayos ang itsura niya ay lumapit na ako.
“Are you okay? Ano ang nangyari?” Nang lumapit na ako sa kaniya. Hinawakan ko agad ang paa niya na parang iniinda niya. Sandali lamang nang iangat ko ang tingin ko’t nakita ko kung ano ang itsura nito.
Matangos ang ilong, maputi ang kulay ng balat at mapupula ang labi.
Napalunok ako.
Batid kong mas bata ito kaysa sa akin. Hindi siya mukhang stress sa buhay, hindi tulad ko. Naka-graduate ng college, pero ang trabaho at kita ko ay mas mataas pa ang sahod ng mga nagtatrabaho sa call center.
“Sobrang sakit?” Hawak ko sa paa niya. Umiwas naman ito ng tingin sa akin. Ang kaniyang hintuturo ay nakalapat sa itaas ng labi niya, tila ang kabuuan naman ng kamay niya’y hinaharang sa kabuuan ng labi nito.
Huminga na lamang ako ng malalim.
“Gusto mo ba na dalhin na kita sa ospital? Para ma-check na rin kung malala.”
“Ayoko.”
Kumunot ang noo ko, ano ang gusto niyang gawin? Tapos na ang duty ko sa pagiging nurse, halos pagod-pagod na ako. Mabuti na nga lang at maaga akong nakalabas ngayon, dahil hindi naman kami kinulang sa nurse.
Ramdam ko rin ang sakit ng ulo ko, dahil sa lagnat ko. Hindi ko naman na iyon inalintana.
“Ihatid mo na lang ako sa apartment, Miss.”
“Ha?”
Tumaas ang dalawang kilay ko. Paano ko naman siya ihahatid? Ano hilain ko siya? Sa malalim kong paghinga muli ay inilabas ko na ang telepono ko at handang tumawag ng ambulansiya.
“Wala po akong pambayad sa ospital. Baka bugbugin ako kapag nalaman nila na nasa ospital ako.” Umangat nanaman ang tingin ko sa kaniya. Yumuko naman ang lalaki.
“Ano ang pangalan mo?”
“R-Roscoe.”
“Ilang taon ka na?” tanong ko pang muli sa kaniya nang kagatin niya pa ng labi nito. “Twenty-six.”
Limang taon ang tanda ko sa kaniya.
“Kailangan ko na umuwi. Kahit ihatid mo lang ako sa tinutuluyan ko,” wika niya. “Kahit iyon lang, please?” Napalunok ako nang makita ko ang mata niyang parang nagmamakaawa sa akin.
Sandali akong nag-isip.
“Sige na.” Tumayo ako at akmang tutulungan ko na siya makatayo nang sumabit siya sa likod ko na parang unggoy. “S-Sandali! Hindi kita kaya! Ang tangkad mo!” Ang lintek na batang ito!
Napakatangkad niya, sasabit pa sa likod ko!
Hirap na hirap akong maglakad, nanginginig pa ang tuhod ko, mauwi lang ang lalaking ito sa kung saan man siya.
“Ayan ba ang apartment mo?”
“Opo.” Kumabog ang dibdib ko nang maramdaman ko ang hangin mula sa bibig niya mula sa leeg ko.
Inayos ko naman muli ang pagbuhat ko sa kaniya. “Second floor sa pinakadulo,” ani niya pa.
Napangiti na lamang ako na parang lalabas na ang tubol ko sa hagdan na nakita ko. Pakiramdam ko ay parehas kaming mapipilayan kung iaakyat ko pa siya sa taas.
Hirap na hirap akong buhatin siya nang umakyat kaming dalawa. Ramdam ko na ang pawis ko na tumataktak na sa noo ko.
Hindi rin naman nagtagal nang makarating na kaming dalawa sa harap ng pintuan ng apartment niya.
“Ihahatid na kita sa loob. Nasaan ang susi mo?” Saka naman niya ibinigay sa akin ang susi niya… bumaba naman na siya sa pagkakapasan sa akin at ngayon ay nasa gilid na lamang siya.
“Wala bang tao rito sa loob?”
“Ako lang po, Ate. Ito lang po kasi ang murang paupahan.” Tumungo na lamang ako. Nang makapasok naman na kami ay nakita ko kung gaano kaganda ang itsura ng apartment na ito.
Dalawang kwarto.
“Ikaw lang mag-isa rito?” Nang maupo ko naman siya sa L type nitong sofa. “Opo…” tipid niyang sagot.
Nakapamewang naman na ako, habang nililibot ang itsura ng apartment niya.
“Ano ba ang trabaho mo? At bakit ka naman bubugbugin kapag nasa ospital ka?”
“Hardinero.”
“Bakit ka bubugbugin? Sino ba bubugbog sa ‘yo?”
“Iyong kabit ng kapatid ko. Nakakainis talaga ‘yung mga may kabit. Nakakasira sila ng pamilya… maging kapatid niya ay pinabayaan, dahil sa kabit.” Sa sagot niyang iyon ay naramdaman ko ang kaba sa dibdib ko.
“O-Oo nga naman… oh, siya. Hindi na rin ako magtatagal, ha? Baka kasi umuwi na ‘yung asawa ko, wala pa naman akong nalutong ulam.” Tumingin siya sa akin at ngumiti… saka naman siya tumungo.
“Maraming salamat, Ate.”
Paglabas ko ng pintuan niya ay nahinga naman ako. Napasandal sa likod ng pintuan niya sa labas. Tila sumagi sa isip ko ang sinabi niya. Kabit… nakakasira ng pamilya… ng relasyon.
Hindi naman niya iyon gagawin sa akin.
Sa isang ihip ng malamig na hangin ay agad tumama sa akin ang pamilya na amoy.
Amoy matamis…
Paglingon ko ay isang babae na college student ang kumakatok sa katabing pintuan ng apartment ni Roscoe.
Marami naman sigurong may pabango na ganoon. Baka sikat na talaga ang sweet na amoy vanilla. Napangiti naman ako nang maisip kong nag-iisip lang pala ako ng masama tungkol sa asawa ko.
Inayos ko na ang sarili ko para makaalis nang bumukas ang pintuan na kinatok ng college student. Tila kumabog ang aking dibdib nang isang pamilyar na lalaki ang sumilip mula sa loob ng apartment.
“Babe! Kanina ka pa naghihintay? Sorry! Ang daming gawain sa school!” Boses ng babae at akmang yumakap sa isang pamilyar na lalaki.
Hindi…
Tila ang utak ko ay parang iniikot. Kusang tumulo ang luha ko, hindi na rin napigilan ng labi ko ang manginig.
Hindi pa rin nila nasasara ang pintuan. Narinig ko ang ilang tawanan mula roon. Naglakas loob akong maglakad…
Nanginginig maging ang tuhod ko.
Hindi iyan ang asawa ko, hindi niya ako lolokohin. Hindi niya sasayangin ang taon ng kasal naming dalawa.
Pagsilip ko sa nakaawang na pintuan ay parang sinimento ang paa ko. Tahimik na tumutulo ang luha ko, habang pinapanood ko kung paano halikan ni Luis ang kolehiyong bata na iyon.
“Luis! Huwag mo muna hawakan ‘yan! Huhugasan ko muna!”
“Dila ko na ang huhugas d’yan.”
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Basta ang alam ko lang ay inaayos ko na ang lahat ng mga gamit niya sa maleta nito.
Hindi ko na alam kung paano ko siya haharapin. Kung anong klaseng pananakit ba ang gagawin ko sa kaniya para lang mapantayan n’yon ang sakit na nararamdaman ko ngayon.