Gemini's POV Pagkatapos ng meeting, naghiwa-hiwalay na ang bawat team para maghanda. The atmosphere in the underground HQ shifted — from tense planning to silent, focused determination. Sa isang sulok, nakita ko si Talon at ang kanyang team na maingat na sinusuri ang kanilang mga rifles. "Check all magazines. Make sure there’s no jam. And we need to protect Miss Gem at all cost. I know she can protect herself — but just in case, eyes on her at all times," utos ni Talon. Walang kibuan. Ang tunog ng bakal na sumasalubong, kasabay ng marahang pag-click ng mga reload, ay nag-echo sa katahimikan ng silid. Precision. Discipline. Walang lugar para sa pagkakamali. Si Cassian naman ay nag-ayos ng kanyang tactical vest, siniguradong mahigpit ang bawat strap. Lumapit siya sa akin at iniabot ang

