Gemini's POV Nagising akong masakit ang katawan, at medyo mahapdi rin ang pagitan ng aking mga hita. Napasobra na naman kami ni Cassian kanina. Sabagay, ilang taon din siyang nagtiis—kaya alam kong bumabawi siya ngayon. Yakap pa rin ako ni Cassian, mahigpit at mainit, habang marahang humihilik sa tabi ko. Pinagmasdan ko siya sandali—payapa ang mukha niya, parang batang natulog nang mahimbing. Napangiti ako at dahan-dahang hinalikan ang kanyang labi. “My love, wake up na... I’m hungry,” bulong ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi. “Ummm... how are you feeling now, Sweetpea?” tanong niya sa pagitan ng isang mahinang halinghing. “Little bit sore... pero gutom na ako, love. I want to eat,” sagot ko naman, na nakanguso ang aking bibig. “Okay. Come on, let’s eat. Then let’s dip in the b

