Gemini's POV Pagkatapos ng aming pag-uusap, sabay-sabay na kaming pumunta sa hapag-kainan. Tahimik sa simula, pero agad napuno ng tawanan ang paligid nang magsimula ang kambal na magkwento. Hindi na mapaghiwalay sina Orion at Lyra sa mga magulang ni Cassian — katabi nila ito sa mesa, habang patuloy na tinutulungan ni Ninang Alexa si Lyra maghiwa ng pagkain. Giliw na giliw silang dalawa sa mga bata, lalo na si Ninang. “Matagal ko nang pangarap na magkaroon ng anak na babae,” sabi ni Ninang Alexa, habang tinitingnan si Lyra na ngumunguya nang maayos.Hindi ko napigilang ngumiti, kahit may bahagyang kirot sa dibdib. At nang marinig ko ang mahinang tugon ni Lyra, “I like you, Nana,” napaluha si Ninang sa saya. Ramdam ko ang init ng eksenang iyon — dalawang taong pagkakahiwalay, ngayon ay

