Cassian POV Nang tinanong ako ni Gemini kung sasama ba ako sa U.S., hindi ko siya nasagot. Inaasahan ko na ang tanong na ’yon, lalo na’t alam kong nandoon ang negosyo niya. Kahit noong wala pa sila — kahit noong hindi ko pa alam na may anak kami — handa na akong sumama sa kanya sa Amerika, diko rin kaya na mapalayo sa kanila lalo ngayon na may kambal na kami ni Gemini. May negosyo rin kami roon, at matagal na naming napag-usapan ng mga magulang ko na ako na ang hahawak ng U.S. operations. Pero hindi ko siya sinagot kanina, hindi dahil ayokong sumama, kundi dahil iniisip ko kung paano ko sila ipakilala sa publiko. Iniisip ko rin kung sa kaarawan ng Mommy niya ko sila ipakikilala, o kung isasabay ko na rin ang proposal ko sa kanya. Alam kong nagtatampo siya. Ramdam ko. At nang hindi siy

