Gemini's POV Habang naglalakad kami sa hallway papunta sa main lounge, nagtanong si Cassian. “Kamusta so far? Overwhelmed?” “Yes… pero kinakabahan ako sa mga sasabihin ni Tito Zion. Baka kasi ma-trigger si Daddy,” sambit ko, halatang nag-aalala. “Let’s just hope everything goes smoothly when he delivers the news,” sagot ni Cassian, pilit na kalmado ang tono. Pagdating namin sa living room, nadatnan namin si Mommy at si Aqua—dumating na pala siya galing school. Binati ko silang dalawa, at ganoon din ang ginawa ni Cassian. Napangiti si Mommy nang mapansin niyang magkahawak kamay kami ni Cassian. Hindi na siya nagtaka o nagtanong kung ano ang status namin—parang tanggap na niya kung anuman 'yon.. Nagsalita si Aqua, sabay bagsak ng bag sa gilid ng sofa. “How many days are we staying her

