Gemini's POV Matapos ang masayang usapan tungkol sa nalalapit naming kasal, nagsimula na kaming kumain. Ang buffet ay punong-puno ng masasarap na putahe—may mga Filipino classics, Italian dishes, at ilang dessert na paborito ng buong pamilya. Ang mga bata ay nakaupo sa isang maliit na mesa malapit sa amin, abala sa pagkain ng fried chicken at cupcakes na dala ni Carl. Si Lyra, Orion, at Aria ay para bang matagal na silang magpinsan—parang hindi lang ngayon una silang nagkita. Pagkatapos naming kumain at makapaghapunan ang lahat, tumayo ulit si Cassian. Hawak niya ang isang wine glass, sabay kakatok dito ng spoon para makuha ang atensyon ng lahat. "Okay, everyone. I hope nag-enjoy kayo sa dinner," panimula niya. "So… as I mentioned earlier, we have two surprises tonight." Tumingin siy

