GAVIN's POV
Shit, napapamura talaga ako sa kwento ni megan. Habang nagdrdrive ako kanina papunta sa SA restau di ko mapigilan ma excite kasi alam kong sa anak ko yun.
Shannie Aprodite my princess.
Ivan Gavin my Prince.
" You know what kuya, di mo lang kamukha si Ivan kaugali mo pa. He acted like a boss while talking to manong guard. He's protective to shannie. Nandun yung pinupunasan nya ang labi ni shannie at pinaghihimay pa nya ..............." di matapos tapos ang kwento nya.So my prince is so like me, Good boy baby.
Napapangiti ako habang naaalala ko ang mag ina ko. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Mark. Si Mark ang inutusan kong maghanap kay sheen mula pa nuon dahil magaling siya sa computer. Kayang kaya niyang ihack ang kahit anong files sa government so sa mga private company para lang maita ang pangalan ni Sheen.
" Send mo sakin ang number ni sheen. Ito na ang tamang oras" sabi ko kay Mark , hindi ko maiwasan mapatingin kay brat habang napahinto siya sa pagsasalita nung narinig nya ang pangalang Mark. tsk
"Yeah dude, thanks sa lamborghini ha kahit nasapak ako ni dad kasi humingi ako ng kapalit" natatawa nyang sabi. Well, He is from wealthy family kung tutuusin hindi niya na kaya kailangang humingi ng kapalit. Pero dahil sa laging sinasabi na walang libre sa mundo kaya yan na yung pinaninindigan niya na.
Pinatay ko ang tawag dahil gusto ko ng makausap si Venus. Dinial ko ang number nya.
calling "my wife" .
."Hello " i missed her voice.
"Miss me BABE?" di ko mapigilan ang pag ngiti ng natigilan sya.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng may umagot. Akala ko binaba niya na. "ahh who are you?-"
"You don't remember me? You never fail to hurt me huh!"
"I need to hang-"
"Try mong ibaba babe at sisiguraduhin kong madadagdagan ang anak natin "
"Ah G-gavin ano-ano kasi .." sagot nya sa mahinang boses.
"shuttering huh. Are you afraid that i finally found you?" i asked.
Hindi siya sumagot sa kabilang line. Naghintay pa ako pero wala siyang bala sumagot.
"Tomorrow morning at SA restau malapit sa tinitirahan nyo alam mo naman kong san yan diba " diretchong sabi ko sakanya.
"May gagawin-" di ko sya pinatapos.
"Wala akong paki alam babe , sa ayaw at sa gusto mo mag uusap tayo bukas. Pag hindi ka dumating ako mismo ang pupunta sa bahay mo para anakan ka" naubo sya.
"Bastos" sigaw nya haha im so inlove with this girl.
"Para sa anak ko ang ibig kong sabihin wag kang green" sabi ko. Pinatay nya ang tawag at alam kong pulang pula na sya, nakakaramdam ako ng galit sakanya dahil nilihim nya ang kambal pero nangingibabaw ang pagmamahal ko lalo na at my kambal na kami.
3 points by Gavin Clemente.
SHEEN's POV
Nasa room ako ni Ivan pinag mamasdan silang matulog. Nagpumilit si shannie na dapat katabi nya ang kuya nya at wala kaming nagawa. Spoiled sa kuya e.
"Bukas baby mag-uusap kami ng daddy nyo, sana mapatawad nyo ako dahil wala kayong nakilalang ama. Sana sapat ang nagawa ko para di nyo ako iwan. Mahal na mahal ko kayo" sabay punas ko sa luha ko at lumabas sa kwarto ni ivan.
Kinabukasan ay agad akong naghanda ng breakfast namin ng kambal. "Goodmorning twins" bati ko sa kambal na kaka gising palang. Hindi sa pagiging bias pero sobrang amo nang mukha ng kambal parang mga anghel kung sa mukha ang labanan panalo na. Kakagising pa lang pero si shannie akala mo model ng bed ni ivan habang nakahiga habang si Ivan busy sa pag aayos ng tsinelas ni shannie sa baba ng kama ang gwapo ng anak ko .
"Good morning mommy, You are the most beautiful mom on earth" so sweet ni babe ko talaga. Yan sya sweet pero kami lang ni shannie ang nakakaramdam.
"How about me kuya" tanong ni shannie habang nakahiga paharap sa side ni ivan at naka puppy eyes pa haha cute niya.
"Oh sweety" sabay upo ni ivan sa kama habang hawak ang pisngi ang kambal what a beautiful view.
" You're so beautiful, I love you" sabay halik sa noo ni shannie.
" Pwede bang maki join si mommy, kuya? " tanong ko kay ivan .
"Of course mom" he open his arms for a hug. Yinakap ko siya at sinama si shannie. Sana tumigil ang oras di ako magsasawa sa ganitong araw. Alam ko sa sarili ko na nagabayan ko ng maayos ang kambal. Kulang man sa pag aaruga ng isang ama. Sana naman sapat na ang mga ginawa ko para mapunan ang bagay na yun.
"Kids enrolled na kayo sa isang school dito pansamantala lang naman habang nandito pa tayo. Is it okay?" tanong ko sakanila pero kay ivan ako nakatingin. Shannie is busy hugging his brother habang nakapikit.
"Yes po mom and don't worry about shannie , i can handle her . Right sweety?" sagot ni ivan sakit at tanong kay sha. Natatakot ako kay ivan masyado syang matured mag isip na nakakalimutan nyang bata pa sya.
" Yes kuya " tipid na sagot ni sha .
"Okay get up twins breakfast muna at ako ang maghahatid sa new school nyo" sabi ko sabay sara ng pinto.
Paghatid ko makikita ko na ulit sya. Hindi na ako yung dating walang maipagmamalaki. Gosh sheen relax para sa kambal.
IVAN's POV
Nandito na kami sa new school namin ni sweety. Sa buong byahe iisa lang ang naiisip ko
"Don't let my mommy cry, Gavin Clemente "
Nagising ako nung gabing pumasok si mom sa room ko at nakita ko kung paano tumulo ang luha nya habang sinasabing magkikita sila ni mr.clemente . Sa oras na yon gusto kong syang yakapin pero alam kong ayaw niya na nakikita namin ang kahinaan nya.
" Kuya come on ,the lady is calling us." sabi ni sweety. Naka alis na pala si mom .
"She's our teacher sweety . " sabi ko sakanya sabay pasok sa kinder 2 room.
" Ok twins introduce yourself" sabi ni teacher.
"Hello everyone my name is SHANNIE APRODITE SCOTT and i'm 5 years old" pakilala ni sweety in a high tone.
"cute"
"pretty"
"angel" puro puri ang naririnig ko kaya di ko mapigilan mapangiti .
"I want you to be my wife in the future" sabi ng lalaki sa likod.
"Shut up or i'll punch you" galit na sabi ko sa lalaki na nagpatahimik sa lahat.
"Okay kids be nice to them " yun lang ang nasabi ni teacher at pinaupo na kami.This is so boring alam ko na ang tinuturo nya . tskk Napatingin ako kay shannie and guess what she is listening haha my princess is adorable.
SHEEN's POV
Nasa harap ko si Gavin ngayon kakatapos lang namin kumain , this man arghh pinilit akong kumain hindi maka intindi na busog na ako .
" Babe alam mo bang sobrang galit ako sayo ngayon" sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko."Damn nagtitimpi ako Venus pero bullshit 6 years . Wala akong kamalay malay na may mga anak na ako. Now i'm thinking kung minahal mo ba talaga ako o kalokihan lang ang lahat ng nagyari sa atin nun." nakikinig lang ako sakanya habang patuloy na tumutulo ang luha ko.
Mali ako."So-sorry Gavin" yun lang ang kaya kong sabihin . Nagpapasalamat ako at asa office kami dito sa SA.
"Sorry babe?wow sorry. Ab=ng sarap mong mahalin damn. Huli kong narinig sayo bago mo ko iwan ay ang salitang GOODBYE tapos nagyon naman sorry. Pucha venus. ang sarap mong mahalin." nasasaktan akong nakikita syang umiiyak sa harap ko. Nasan ang cold na gavin , nasan ang malakas na gavin. "Unang kita ko sa kanila sa airport Venus at sobrang pangungulila ang nararamdaman ko and what SORRY ? Venus naman oh anak ko yun" napa upo sya habang sinasabi yun . Ramdam ko ang sakit , ang panghihinayang at pangungulila sa kambal.
"Gavin" sambit ko habang nakayakap sakanya.
"I want to meet them venus ,i want to meet my twins. PLease i want to see them and hug them. Iwant to be their father." sabi nya sa matigas na tono habang nakatingin sa mata ko, nanduon ang pagmamakaawa.
"But they ar-" putol nya sa sinasabi ko.
"TONIGHT venus ,tonight hindi matatapos ang araw na ito na di ko nakikilala ang mga anak ko" sabi nya sabay tayo." Pupunta ako at 8pm ...and that's FINAL" sabay labas ng opisina ko. Wala akong nagawa kundi umiyak , Nakita ko sa mata nya ang sakit . Lord di ko po kayang mawala ang kambal saakin.Tonight , yes ngayong gabi na maghaharap ang kambal at si gavin.