Breydon “Hey, tirhan mo naman kami ni Vlad,” asik ni Colton saka sinubukang kuhanin sa akin ang bote ng whiskey na nangalahati na sa ilang lagok ko lang. Na-bottoms up ko na rin ang tatlong natirang beer pag-ahon ko sa tubig. “Ano bang pumasok sa isip mo?” tanong ko sa kaniya pagkatapos iiwas ang bote. Sa bilis ng pagtungga ko, mabilis ding kumakalat ang tama ng alcohol sa aking buong katawan. Hinigpitan ni Colton ang pagkakatapis ng twalya sa kaniyang beywang bago umupo sa tabi ko, nakapatong ang mga siko sa tuhod at paharap din sa nagniningas na kahoy ng campfire. “Gusto mo rin naman ang ginagawa ko, leading the two of you into something both of you are denying. Ayaw mo lang aminin.” Sapul ako sa tinuran niya. Umiwas tuloy ako ng tingin nang titigan niya ako sa mukha. “Pero hindi t

