Patuloy lang si Daisy sa pagtingin ng mga pictures ng damit at accessories. "Wala kaming ginagawa ni Eirene, Daisy," sabi nito, hindi niya alam kung bakit kailangang magpaliwanag. Hindi siya umimik. "Totoong madalas kaming magkita pero date na may kinalaman sa D & E. Hindi date na bayad sa libreng renta—nagbibiro lang ako no'n." "Bakit ka nag-e-explain?" kaswal niyang balik, nasa computer pa rin ang mga mata. "Nag-iisip ka nang masama sa akin," mababa rin na sabi nito. "Walang kaso sa akin husgahan man ako ng lahat ng tao. Wala akong pakialam sa opinyon nila, o ng opinyon sa akin ng buong mundo. Pero ang opinyon mo, importante sa akin. Ayokong nag-iisip ka nang masama tungkol sa akin." "Hindi ko naman sasabihin kay Ate, Kuya Ed. 'Wag kang mag-alala." Alam naman niyang iyon ang inaalala

