NAPASIMANGOT si Daisy nang pagbaba niya sa sala ay tahimik ang paligid. Wala siyang inabutang tao. Wala rin pati almusal. Ang housemate niyang mabait, umalis nang wala man lang paalam. Okay lang naman sana kung hindi niya birthday nang araw na iyon. Napabuntong-hiningang ibinagsak niya ang sarili sa sofa. Dapat talaga ay umuwi na lang siya pero tumawag si Ate Ara nang nagdaang gabi. Sinabi ng kapatid na huwag muna siyang uuwi. Dadaanan siya ng mga ito sa condo at sabay sabay silang uuwi. Kasama ng kapatid niya si Kuya Zeph. May mga bumati na sa kanya sa text mula kaninang hatinggabi. Una sina Jessaline at Maruja na nagtatanong kung saan ang celebration. Binanggit ni Daisy na gawin na lang nilang ‘post-birthday treat’—ililibre niya ang mga ito pagkatapos na ng kan

