Chapter 1

1157 Words
"Sue Soh!" malakas na sigaw ng boss ni Sue. Pumailanlang ang boses nito sa buong 15th floor. Nagkukumahog siyang napatakbo sa opisina nito dahil kung hindi, paulit-ulit nitong tatawagin ang buo niyang pangalan. Kung sana ay hindi masagwa iyong pakinggan ay ayos lang. Pero hindi, lalo na sa pagkakabigkas ng boss niya habang galit ito. "Sue Soh!" "Yes, Sir!" humahangos na sambit niya habang papalapit sa mesa nito. Pulang pula ang mukha nito sa galit habang may hawak itong papel. Iyon ang iniabot niya kaninang papel na pipirmahan nito sana. "You made a mistake again!" galit na galit na sigaw nito. Napatayo pa mula sa pagkakaupo at halos lumuwa ang mga mata sa galit. Sa pagmamadali niya at taranta ay napatid siya sariling mga paa. Mabilis siyang nabuwal nang mas lumapit pa rito. "Ay!" sigaw niya habang pabagsak sa carpet na sahig. Bumagsak siya paharap kaya na-flat lalo ang ilong niyang hindi katangusan. "You're so clumsy! Kung bakit ikaw ang kinuha ni Mama na maging sekretarya ko ay hindi ko talaga maintindihan!" inis na ika nitong naramdaman niya ang yabag palapit sa kinasasadlakan niyang carpet. "Alam mo bang malaki ang kasalanan mo ngayon!" Mabilis niyang inangat ang mukha mula sa pagkakadukdok sa carpet. Nanlaki ang nga mata niya dahil unang bumungad sa kanya ay ang gitna ng boss niyang nakatayo ngayon sa kanyang harapan. "Malaki nga, boss," anas niyang sa gitna nito nakatingin. Napalunok pa si Sue at napakurap-kurap. Malaki talaga. "Malaki kaya fix it right away!" sabi nito nang lingonin niya ay sa papael nakatingin at hindi sa kanya. "Paano?" Muli niyang tanong na muling sumulyap sa malaking hinaharap ng amo. Holy moly! Hindi pa iyon buhay pero malaki na talaga. May na-iimagine tuloy siya. "Kamayin mo o kaya ay gamitin mo ang bunganga mo!" sabi nitong dahilan para lalong uminit ang kanyang mukha. "Duduraan ko ba?" muli niyang tanong. Kailangan ng pampadulas for sure. Binasa niya ang dry niyang labi sa pamamagitan ng pagdila rito. "What?" Sumilip ito mula sa papel. Kunot noong tumanaw sa kanya roon. "Can you stand up! Baka kapag may makakita sa iyo akala ginugulpi ka rito!" inis na bulyaw nito bago tumalikod. Pero bago iyon ay initsa muna nito ang papel na hawak sa gawi niya. Mabilis na tumayo si Sue bago pulutin ang mga papel 'tsaka siya humarap kay Jack. "Kasalanan ko ba boss kung malaki?" tanong niya dahilan upang mapatigil ito. Hinarap siya na kunot ang noo. "Ikaw ang nagpalaki..." "Wala pa nga ako ginagawa para mas lumaki, boss," putol niya sa sinasabi nito. "Kakamayin ko na ba gagamitan ng bibig?" wala sa loob na tanong niya. Mas lalong dumami ang gitla sa noo nito. "Sue Soh! Just fix that papers! I type mo ulit o kaya ay tawagan mo si Mr. Daugh Style para pumirma ng panibagong kontrata! Dahil mali ang pagkaka-type ng mga pangalan namin!" bulyaw nitong dahilan para magtago siya sa papel. "Ang manang-manang mo pero ang sagwa ng nasa utak mo. Get out!" Mabilis pa sa alas kuwatro siyang humagibis ng takbo palabas sa opisina ng kanyang boss. Nang nasa upuan na siya ay muli niyang binasa ang kontrata. "Sue!" inis na sita niya sa sarili at naiuntog ang ulo sa mesa. Nagkamali naman talaga siya. Nakakahiya. Imbes kasi na Jack Cole ang inilagay niya ay naging jakol. Kay Mr. Daugh Style na pinsan daw ng sikat na singer na si Harry Style, ang nalagay naman niya ay Dogstyle. Ang siste, naipadala na niya ang papel dito at hiyang hiya siya sa sarili dahil sa kanyang pagkakamali. At mas kahiya-hiyq siya kay Mr. Daugh Style. Baka akalain ay binabastos niya ito. Nanginginig ang kanyang kamay na kinuha ang telepono. Nakalabing nag-dial ng numero ng opisina ni Mr. Style. "Hello," bungad ng boses babae. Kilala na niya iyon. Si Lou Wang na naging kaibigan na niya. Lagi ba naman sila kasama kapag may meeting ang dalawa nilang boss. "Lou, si Sue ito," sabi niya. "Naibigay mo na ba angnpapeles na sinend ko kay Mr. Style?" agad niyang tanong. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa dahil nakasalalay ang trabho niya roon. "Sue...puwe...deng tumawag ka ma...maya," sagot ni Lou na ipinagtaka niya. Tila din kinakapos ng hininga. "Huh?" tanging nasabi niya. Mas inilapit pa ang teynga sa telepono at mas nakinig sa kaibigan. "Ah!" tila tili nito kaya agad niyang nailayo ang kanyang teynga. "Hoy, Lou Wang, okay ka lang?" tanong niyang umarko ang ngisi sa labi. Alam niyang may kakaibang nangyayari sa kabilang linya. Sa buga pa lamang ng hininga nito. "Hindi...ay o...oo. May aso lang kasi..." sabi nitong hindi na lang kinakapos ng hininga. Halatang hinihingal na. "Sue...mamaya na...ah!" Natawa siya ng mahina. Batay sa narinig at imagination niya. May kababalaghan talaga sa kaibigan. "Sige, galingan mo sa dogstyle..." sabi niya sabay baba ng telepono. Sigurado ay nilalapa na ng aso ang kanyang kaibigan. Bagay rito ng pangalan. Lou Wang. Lagi sigurong napapasukan. Bigla niyang ipinilig ang ulo sabay tampal sa kanyang namumulang pisngi. May inggit na namayani sa kanyang sistema. Buti pa ang kaibigan niya, nabibigyang halaga. Eh siya? Panay bulyaw ang napapala sa boss niyang si Jack Cole. Pinaypayan niya ang sarili nang makaramdam siya ng kakaibang init. Naka-aircon sila sa opisina ngunit pinagppawisan siya. Dahil iyon sa init na lumukob sa sistema niya at hindi niya kayang ilabas. Bago pa siya mahimatay sa init ng katawan ay mabilis niyang tinalunton ang washroom ng floor nila. Dahil sila lang naman ng boss niya sa floor na iyon ay mabilis niyang inalis ang pagkakabutones ng kanyang blusa para mahanginan ang kanyang malulusog na dibdib. Maging iyon kasi ay pinagpawisan, maliban pa sa nababasa niyang baba dahil sa nararamdamang pagnanasa sa kanyang katawan. "Hu!" buga niya ng hangin. Pinaypayan ang mukha gamit ang kamay. "Nakaka-tense ang kaganapan. Kailangan kong mag-chill mamaya," sabi niyang muling binalik ang pagkakabutones ng blusa. Inayos ang sarili bago muling lumabas para ayusin ang nagawang pagkakamali. Nang matapos siya ay agad na siyang kumatok sa pinto ng opisina ng kanyang boss. Inayos na niyang muli ang makapal niyang salamin sa mga mata at nagpagkit ng ngiti sa kanyang labi. Kumatok siya ng tatlong beses saka tuloy-tuloy na binuksan ang pinto. Para lamang mapatda sa narinig at nakita. "Oh my!" hiyaw ng babaeng binabayo ng boss niya mula sa likod. Kailan pa may babae roon? Kinusot niya ang kanyang mga mata dahil baka namamalikmata siya. Wala kasi talagang dumaan sa table niya. Alam niya sana kasi siya ang sekretarya. "Can you close that damn door!" sigaw ng boss niya na hindi tumigil sa paggalaw sa babaeng nakapatong sa mesa. "Y-yes Sir! Enjoy!" nagawa pa niyang sabihin habang nagkukumahog na muling tumalikod at umalis. Nang nasara na ang pinto ay naikiling niya ang ulo. Hindi naman multo ang babae dahil kung maungol ito ay parang aso. Pero paano nga ba siya nasalisihan nito? Hindi niya naisip na noong nasa banyo siya ay pumasok ang babae para sa isang round ng putok nila ng kanyang amo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD