Selestine's POV. Pagkatapos ng dalawang araw naming pahinga, muling nagpatuloy ang grand magic games. Kasama na naming nanonood si Horin, habang si Daine naman ay nanatili pa ring nagpapahinga sa guild namin. Kasama niya si Jeoff, Brynna at Ken. Sa pangatlong laro namin, dalawa na ang kailangan nilang manlalaro sa bawat guild. Hindi pa rin sinasabi sa amin ang sistema ng laro, pero inaasahan naming lahat na mas lalo nang magiging mahirap ang laban namin. "Master, ayos ka lang ba?" Lumingon ako sa direksyon ni Horin. Nagbigay ako ng isang ngiti sa kanya nang masilayan ko ang nag-aalala niyang mukha. Ngayon ko lang namalayan na kanina pa pala ko nakatulala. "Ayos lang ako. Nag-aalala lang ako sa dalawang kaibigan na 'tin na maglalaro ngayon. Baka may mangyari na naman kasing masama

