Chapter 3 Hide out.

1594 Words
“KUNG ako sa iyo boss, tanggapin mo na lang ang alok na trabaho ni Pinuno. Malay mo s’wertihin tayo this time?” sabi ko kay Boss Bryan. Magkaharap kami sa kanyang working table sa Mondragon Corporation. Nagsimula na rin itong magtrabaho bilang CEO. “Paano ko tatanggapin ’yong ganoong klaseng trabaho? Hindi ko naman linya ang maghanap ng mga taong nawawqla,” sagot nito sa akin. Sabay tayo ni Boss Bryan. Binuksan ang butones ng coat na suot saka niluwagan ang nicktie. “Ang dami-daming tauhan na puwede niyang utusan. Ako pa talaga ang napili niya. Ano ba ako sa kanya tao-tauhan niya.” Ramdam ko ang tampo sa boses ni Boss Bryan kay Pinuno. Iba rin kasi magdisiplina si Pinuno sa kanyang mga anak. Wala itong paborito. Lahat dadaan sa kanyang sariling batas. Dictator. He’s very manipulative man. Nako-control niya ang isang bagay na hindi niya nagugustuhan. Maging ako nakaranas sa kanyang manipulation. Air craft sana ang kunin kung kurso. Dahil pangarap kong maging Piluto. Dahil sa kontrolado niya kaming mag-ina. Bumagsak ako sa Business Management. Pero okay lang iyon. Dahil naman sa kanya may maayos akong trabaho ngayon. “Tutulungan kita. Magtatag ka ng sarili mong grupo at tauhan. Ako ang bahalang maghanap ng tao, para maging tauhan mo,” mungkahi ko kay Boss Bryan. Nais ko siyang tulungan. Dahil kung siya hihiranging kapalit ni Pinuno sa trono. Madali sa kanya ang tulungan ako upang hanapin ang aking kapatid. Sa lawak ng koneksyon ng Blackstar Society and Organization. Tiyak mapadali ang paghahanap ko kay Shiena. “Paano ’yong paghahanap mo sa iyong kapatid?’ “Huwag mo ng intindihin ’yon. Isisingit ko ang paghahanap kay Shiena. Kapag nagsimula na tayong maghanap sa taong may atraso kay Pinuno.” Huminga ng malalim si Boss Bryan. Tila nagdadalawang isip na tanggapin ang utos ng ama. Lumapit ito sa glass window at sinuyod ng tingin ang kabuhuan ng lungsod. “Sa totoo lang parang hindi ko kaya ang pinapagawa ni Pinuno. Alam mo naman na lumaki ako na nakukuha ang gusto. Tapos ngayon na may gusto akong makuha. Bibigyan niya ako ng trabaho. Ano ’yon tauhan niya ako sa sarili naming kompanya?” himutok ni Boss Bryan. Nakakuyom pa ang isa nitong kamao. Na tila handang manuntok. “Boss, hindi naman ’to dahil sa kompanya ninyo. Ang pinag-uusapan dito ang papalit sa trono ni Pinuno. Kayong limang magkakapatid lang ang may karapatang makuha ang trono na ’yon. At ikaw boss, ang napipisil na pumalit kay Pinuno. Kaya kong ako sa inyo tanggapin n’yo na ang utos ni Pinuno. Kaysa maagaw ni Franco, ang trono. Ahas ’yon baka matuklaw ng wala sa oras ang Papa ninyo,” dahan-dahan kong paliwanag. Para maintindihan niya ang tunay na layunin ni Pinuno kung bakit binigyan siya ng mission. Kitang-kita ko ang muling pagkuyom ng kamao ni Boss Bryan. Ngunit sa pagkakataong iyon ay may kasama na itong gigil at galit. Hindi dahil sa ama. Kung ’di dahil kay Franco. “Hinding-hindi mangyayari ’yon. Mark my word. Handa kong isugal ang buhay ko kay Kamatayan. Huwag lang makuha ni Franco, ang trono. Kung kinakailangang makipagpatayàn ako sa kanya gagawin ko.” Tumingin sa akin si Boss Bryan at saka muling umupo sa kanyang swivel chair. “Ikaw na ang bahalang maghanap ng mga tao na gagawin nating tauhan. Hihingiin ko kay papa ang isang hide out sa Cavite. Doon tayo gagawa ng ating plano. With in one week, kailangan makumpleto na natin ang lahat ng gagamitin natin.” “Copy, boss.” Matapos kaming mag-usap ni Boss Bryan nang araw na iyon ay kaagad kong tinawagan ang aking kaibigan na si Roger. Hindi ko alam kong saan na napadpad ang taong ito. No’ng huli naming kita ay sa Cavite rin. Pagkakaalam ko tagaroon si Roger. Hindi ko lang alam kung ano ang exact location niya sa Cavite. Basta ang pagkakaalam ko puno siya ng problema no’ng kami’y nagkita at natanggal pa siya sa trabaho. Nakailang dial ako sa numero ni Roger. Ring lang nang ring. Walang sumasagot sa kanyang telepono. Ibinulsa ko ang aking cellphone at nagpasya ng umuwi. Dahil nauna na ring umuwi si Boss Bryan. Sakay ng kotseng bigay ng kompanya. Umuwi na ako sa mansion ng mga Mondragon. Bago iyon dumaan ako sa isang flower shop. Binilhan ko si Nanay ng paborito niyang bulaklak. Pagdating ko sa bahay. Tuwang-tuwa ang Nanay nang iabot ko sa kanya ang isang bugkos na daisy at may kasamapang chocolate. “Ang gaganda naman nito anak,” puri ni Nanay sa dala kong bulaklak. Inamoy-amoy pa niya ito habang masayang hinahaplos ang bawat petals no’n. “Maraming salamat ’nak. Hanggang ngayon hindi mo pa rin talaga nakakalimutan ang paborito kong bulaklak.” Inakbayan ko si Nanay at dinala sa aming sala. Pinaupo ko siya sa sofa at masayang tiningnan. “Siyempre naman po. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga bagay-bagay na nagpapasaya sa Nanay ko,” masaya kong tugon kay Nanay. “Masaya ako anak, dahil lahat ng itinuro ko sa iyo ay talagang nagagamit mo ngayon. Napakas’werte ng babaeng mamahalin mo.” “Oh hayan na naman kayo sa issue na ’yan. Gusto n’yo na po ba akong pag-asawahin?” Ngumiti sa akin si Nanay at saka hinawakam ang aking buhok. Mabagal niya iyong sinuklay-suklay ng kanyang daliri. “Wala namang problema sa akin anak, kung mag-aasawa ka na. Matanda na ako. Aba dapat may apo na akong inaalagaan,” nakangiting sagot ni Nanay. “Tingnan mo si Doña Francia, ilan na ba ang apo nila ni Don Francisco. Lima na. Masaya ang bahay kapag may batang maingay.” Napakamot na lang ako sa aking ulo. Gustong-gusto na talaga akong pag-asawahin ni Nanay. Hindi ko lang maamin sa kanya na hindi ako marunong manligaw at wala rin akong naging girlfriend. Sandali akong nagpaalam kay Nanay. Dahil nag-vibrate andang aking cellphone. Hindi ko alam kung tawag iyon o may nagpadala ng mensahe sa akin. Tumungo ako sa aking k’warto at doon tiningnan ang aking cellphone. ‘Call. Libre ako ngayon. Bilisan mo!’ Galing pala kay Roger ang mensahe. Hindi ko alam ganito pala ang ugali nito. Parang galit lagi sa mundo. Kaagad kong idinayal ang numero ni Roger. “Kumusta, p’re?” bungad ko. “Sabihin mo na kung ano’ng pakay mo sa akin. Wala akong para makipagk’wentohan sa iyo.” Napakasuplado naman nitong tao na ito. Himutok ko sa aking sarili. “Puqede ba tayo magkita? May tatalakayin lang akong business sa iyo.” “Bukas. Alas-dyes ng umaga. Galang Park at Carmona, Cavite.” Iyon lang ang sinabi niya at nawala na ito sa linya. Pambihira ’yong taong ’yon. Dinaig pa si Batman sa bilis. GAYA ng sinabi ni Roger maaga pa lang umalis na ako ng Manila at nagbiyahe papuntang Cavite. Mabuti na lang at high tech na sa panahong ito. Madali mo ng mahanap ang lugar na hindi mo alam. Nine thirty pa lang nasa Galang Park na ako. Naghanap ako ng mainam na pagparking-an ng aking sasakyan. Nang makakita agad akong bumaba at pumasok sa loob ng park. Malayo pa lang tanaw ko na ang bulto ni Roger. Wala pa ring pagbabago pagdating sa pananamit. All black. Hindi ko alam kung bakit naging paborito niya ang kulay itim. Sabagay bagay din naman sa kanya at sa personalidad niyang may pagkamisteryoso. Lumapit ako sa kinatatayuan niyang puno at magaan ko siyang tinapik sa balikat. “Sabihin mo na kung ano ang pakay mo. May ipapatumba ka ba sa akin? Isang milyon. Bukas agad ihahatid ko sa iyo ang ulo ng kalaban mo.” Grabe talaga ’tong taong ’to. Wala ng paligoy-ligoy ang salita. Deritsahan. Direct to the point. Palibhasa professional hired killer. Kahit sino kaya niyang itumba. Sa isang pitik lang ng kanyang daliri. “Wala akong ipapatumba. Pero ’yong boss, ko nangangailangan ng tao. Tagalinis ng dumi niya. Alam mo na kailangan niya ng matibay ang sikmura at handang ibuwis ang buhay para sa kanya. Sa madaling salita bodyguard niya,” sagot ng may kasamang paliwanag ang itinugon ko kay Roger. Kita ko pa sa kanyang mukha ang pag-alinlangan. Ang pinakaayaw kasi ng taong ’to. ’Yong minamanduhan siya ng ibang tao. Sanay itong mag-isa. “Pulitiko o negosyante ’yang amo mo?” “Negosyante.” “Malalaman mo ang sagot ko. Kapag tumawag ako sa iyo.” Halos hindi man lang ako nilingon ni Roger habang papalabas ito ng park. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makasakay sa kanyang bigbike. Nang makaalis si Roger. Umalis na rin ako sa lugar na iyon. Tinungo ko ang sinasabing hide out ni Boss Bryan. Dito rin ’yon sa Carmona, Cavite. Nang makita ko iyon agad akong nagbusina. May lumabas na lalaki. Hindi nalalayo ang edad sa akin. Nagpakilala ako at sinabi ang pangalan ni Boss Bryan. Nakita kong binuksan ng isa pang lalaki ang malaking gate. Sinenyasan ako ng lalaki na pumasok. Kaya agad kong pinaandar ang aking sasakyan. Namangha ako sa aking nakita. Sa klase ng bahay hindi mo masasabing hide out iyon. Parang isang bahay bakasyonan lamang ito. Nakatayo sa pinakagitna ng malawak na lupain at napapaligiran ng iba’t-ibang punong kahoy. “Naitawag na sa amin ni Pinuno, ang tungkol sa hide out na ito. Ito pala si Boyet at ako naman si Marcial. Kami ang caretaker dito.” Pakilala sa akin ng unang lalaking lumabas kanina. Inaabot ko ang kanang kamay ko kay Marcial. “Ako naman si Dante. Amo ko si Boss Bryan. Ikinagagalak ko kayong makilala.” Hindi rin ako nagtagal sa hide out. Matapos kong libutin ang boung bahay. Nagpasya na akong umuwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD