Chapter 1: Sam's introduction
A/N: Here's your Samantha and Drim. Ang sabi po ni ate, name po raw ito ng junakis niya. Salamat po sa permission na magamit ang name ni baby Sam.
Uunahan ko po kayo, hindi katulad ni Mikael-AJ, Art, Shin, Xena ang ugali ni Sam. Hindi po perpekto ang ugali niya. Marami po siyang imperfections pero siya po ay may simpleng pangarap.
"Ang makaahon sa hirap."
***
SAMANTHA JOYCE LORENZO's POV
"Hoy, Lorenzo gising! Gumising ka riyan at harapin mo akong bata ka!" dinig kong sigaw ni aling Nina mula sa aking maliit na tahanan.
Kung maka-Lorenzo si aling Nina ay akala mo naman ay isa akong prisoner at siya naman ay isang pulis. Na matagal na akong nakakulong sa selda.
Saka kay aga-aga ang boses na niya ang maririnig ko at ginambala pa ang beauty sleep ko. Ang maliit na kubo ko ay walang habas niyang kinakalabog at alam naman niyang isang sipa na lamang sa pintuan ko ay tegok na ito. Lumang-luma na talaga ang bahay ko at sa sobrang liit nito ay nauuntog ang ulo ko sa kisame. Ang height ko na 5'8 ang nahihiya. At ang sikip-sikip nga rin sa loob at sobrang init din. Wala pang kuryente at tanging lampara lang ang nagsisilbing ilaw ko na minsan pa ay hindi ko sinisindihan. Kasi bakit? Magastos din siya. Isa pa na isang buwan na akong naputulan ng kuryente dahil sa dami ng utang ko at hindi mabayad-bayaran. Ni hindi nabawasan.
Saka wala namang masamang loob ang papasok sa bahay ko na lalo pa ay marami akong kapitbahay.
To the rescue naman sila kung sakaling may sumubok na masamang tao ang papasok sa loob ng bahay ko. Saka isa pa, wala silang mananakaw sa akin dahil tegok, wala akong pera, ha. Hindi ako mayaman, sa ganda lang ako mayaman. Ay ang sabi ko maganda lang ako at kapos po ako sa pera. Tinatrabaho ko pa.
Kahit masama ang loob ko na nagambala ako ni aling Nina ay bumangon pa rin ako ngunit malapad ang ngiti ko.
Aba! Sinira na nga ng tabaching-ching ang beauty sleep ko ay magpapa-apekto pa ba ako sa kanya? Sisimangot ba ako? Eh, ang tulog ko lang ang nagambala hindi ang magandang araw.
Nakangiti na si haring araw, panibagong pag-asa na naman ang dumating at panibagong ngiti.
"Lorenzo, aba! Gumi--" nabitin ang sasabihin ni aling Nina at naiwan sa ere ang kanyang matambok na kamay.
"Ang ganda ng araw, hindi po ba aling Nina? Katulad niyo po!" nakangiting sabi ko. Walang halong pambobola. Good vibes lang tayo 'day. Huwag stress ang atupagin. Charot.
Napangiwi ako nang maramdaman ko ang kamay ni aling Nina sa buhok ko at marahas na hinila ako nito palabas sa kubo ko.
Para akong maiiyak sa sobrang sakit nang pagkakasa-bunot niya sa aking buhok at pakiramdam ko ay matatanggal ang anit ko. Ang bigat ng kamay mo aling Nina. Napaka-brutal mo talaga kay Samantha Joyce Lorenzo, na ganda lang ang pambato.
"Hindi ka pa nagbabayad ng utang sa akin, oy! Isang linggo na rin kitang sinisingil at ang sabi mo ay magbabayad ka kaagad! Pinautang kita dahil naaawa lang ako sa 'yo! Naku, Lorenzo sinasabi ko sa 'yo na hinding-hindi na kita pauutangin pa!" dakdak niya sa akin. Alam niyo ang mga katulad nila?
Maingay at tila machine gun ang bunganga nila at masakit talaga sa tainga ang boses niya. Ang pangit din ng boses niya, boses panlalaki. Aakalain mo na bakla si aling Nina. Pagtitiisan ko pa sana ang boses niya kahit puro dakdak siya nang dakdak pero ang laway niya, ang maganda kong face ang sumasalubong no'n. Kadirdir, ano? Napapaisip ako...
Hindi ba nagdadalawang isip si mang Tope na halikan si aling Nina?
"Aling Nina naman, wala pa po akong pera para bayaran ang utang ko sa inyo, eh. Kaya nga ako umutang kasi walang-wala talaga ako ngayon," emosyunal kong saad kahit na may halong drama pero totoong wala pa akong pera, eh.
Wala pa nga akong sinahod mula kay aling Indak. Karinderya lang naman ang negosyo ng isa pang tabaching-ching na iyon at ide-delay pa niya ang sahod ko. Two hundred lang naman ang sinasahod ko kada-isang araw pero linggo-linggo ang sahod ayon sa nais ko. Kasi hindi puwedeng isang buwan bago ko makuha ang sahod ko kasi wala akong makain niyan, eh.
Ang lunch ko lang ang libre sa karinderya niya saka isa pa nag-iipon ako ng pera para sa pamasahe ko papuntang Manila!
Magma-Maynila ako dahil doon ako maghahanap ng 4M. Sure ako na alam niyo na ang meaning no'n. Pero biro lang at hindi ako ganoon, okay?
Kahit na ang sabi sa kanta ni Freddie Aguilar, "isang kahig, isang tuka," ay hindi ko naman hahayaan na mawalan ng diginidad.
Saka kung maghahanap ako ng lalaking tutulong sa akin na aahon sa kahirapan ko ay bakit matanda pa ang hahanapin ko? Binata na lang, oy! Matcho saka guwapo. Ganern.
"Aray ko naman po, aling Nina! Masakit, ha!" naiiyak na sabi ko at literal na lumabas lahat ang mga kapitbahay ko.
Ang iba nanood lang, pero ang karamihan sa kanila ay nagbigay ng tig-bente pesos kay aling Nina.
Sa kabila ng pagiging unlucky ko sa buhay ay masuwerte pa rin ako sa mga kapitbahay ko.
"Nina, oh hayan! Bilangin mo kung umabot na ba ng 1k ang utang ni Sam-sam sa 'yo!" ani aling K.
"Bitawan mo na ang buhok ng bata, Nina. Nakakasakit ka na, ha?" saad naman ni lola Leng.
Binitawan nga ako ni tabaching-ching pero hindi pa nakontento at marahas na tinulak pa ako kung hindi lang ako nasalo ng mga mababait kong kapitbahay. Makikipag-halikan talaga ako sa lupa.
At ang inday ay nagbilang nga ng pera. Pero duda ako kung umabot ba 'yon sa 1k na utang ko sa kanya! Kaloka siya!
"300 lang 'to, kulang pa!" nagngingitnit na saad niya at akmang susugurin ako nang mapadaan sa kanto namin si kapitana.
"Anong kaguluhan na naman 'yan, Nina?" nakapamaywang na tanong ni kapitana. Oh, eh siya ang napagalitan ni kapitana.
"Ay wala 'to, kapitana!" Hayon ang sipsip, lumapit na kay kapitana at kung saan na nito dinala ang barangay kapitana namin.
Nagkibit-balikat na lamang ako habang inaayos ko ang nagulo kong mahabang buhok.
"Ayos na, Sam-sam."
"Salamat po talaga, babayaran ko po kayo lahat!" masiglang sabi ko sa kanila at ngumiti lang sila bilang tugon.
Worth it din pala ang pangangambala ni aling Nina dahil nakalibreng pandesal ako. Hindi dahil inaabuso ko ang kabaitan nila ay sadyang masamang tumanggi sa grasya.
At hayon na naman. Napapa-dasal naman ako kung kailan kaya ako magiging mayaman? O kahit makakain lang ako ng tatlong bese sa isang araw?
"IBENTA MO na kasi 'yang mga mata mo at nang yumaman ka na. Masyado kang ambisyosa," harsh na utas sa akin ni madam Chakalang-- Chalang pala.
Siya ang amo ko rito sa maliit na panahian niya at isa ako sa mga mananahi. Maliit lang ito ngunit dinadayo ng kabilang bayan. Bukod sa maganda ang tela at pagkakatahi nito ay affordable naman nila. Ang kaso medyo matapobre ang amo namin at panira pa ng moment, madalas.
Pinagdi-diskitahan na naman niya ang mga mata ko. Grabe siya, kahit gustung-gusto kong maging mayaman ay hindi ko ibebenta ang beautiful eyes ko, 'no!
Ako pa ang mawawalan ng paningin sa kanya. Tse! Sabihin niya kamo na insecure lang siya dahil ako ang nabiyayaan ng magandang mga mata.
Wala sa sariling inabot ko ang maliit na salamin at tiningnan ang hitsura ko. Particular na tiningnan ko ang eyes ko. Lahat ng tao sa barangay namin sa Pangasinan ay ang kulay lela kong mga mata ang pinagdi-diskitahan nila. Nakakabanas sila. Pero alam ko naman na namamangha lang sila. Kasi bihira raw ang violet eyes at nakukuha lang daw ito kung may lahi kang Amerikano o German. Pero...hmm. Ewan ko kung may lahi akong banyaga. Chars. Alam ko naman na mayroon, eh.
Hinawakan ko naman ang mahaba kong buhok, itim na itim na ito at kulot pa ang dulo. Maputi rin ang balat ko kahit halos araw-araw akong nakababad sa araw pero ni hindi man lang ako umiitim. Gusto ko ang morena, para Pilipinang-Pilipina ako.
Tapos medyo big and round ang eyes ko na bumagay naman daw sa akin. Dahil maganda naman daw ako. Matangos din ang ilong ko na halatang may lahi nga akong banyaga. Nakakainis, kasi sana hindi ko na nakilala pa ang tatay ko... Ay...literal na kilala ko lang sa pangalan pero hindi sa mukha.
Ang sabi sa akin ni nanay ay kamukhang-kamukha ko raw ang tatay ko kaya kapag na-miss ko raw ang tatay ko ay tingnan ko na lang daw ang sarili ko. As if, mamimiss ko ang taong iyon?
Eh, hindi nga niya ipinaglaban ang nanay ko sa parents niyang matapobre rin. Tapos hayon para kaming basura na itinapon niya lamang.
Half-German and half-Pilipino ang tatay ko at nakatira na sila sa Spain pero may mga relatives pa rin siya na nakatira sa Manila.
Ang sabi ng matatanda, ang mga taong nagkakilala na o may connection sa isa't-isa ay maliit lang ang mundo para sa kanila. Magkikita at magkikita pa rin kayo. Pero ako? Iiwasan ko ang tadhanang iyon.
Samantha Joyce Lorenzo ang full name ko na mas kilalang Sam-sam sa lugar namin. Rakitera rin ako at kung anu-anong part time job ang pinapasok mabuhay lang ako. Chos.
23 years old pa lamang ako at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Hindi ako matalino kaya noong nag-conduct ng scholarship para sa mga estudyanteng laman ng libro ang utak ay hindi ako napasali. Dahil nga sabi nila bo-o ako. Maganda lang daw ako pero wala namang daw utak.
Eh, nasaan ang utak ko? Saan napunta? Iyon ang madalas ilaban ko sa mga taong judgmental, tsk.
High school lang ang natapos ko... At noong mga panahon na iyon ay nakatakas na sana ako kay K-12 pero siguro kung mag-aaral pa ulit ako ay baka ligawan na ako ni K-12, sa halip na ikasal na ako kay college.
Siguro kung nakatapagtapos na ako ay baka forever na kami ni interior designer at baka maging kabit ko pa ang dress designer. Kaloka, 'di ba?
Tatlong oras lang ang work ko kay madam Chalang, dahil may work din ako kay aling Indak, ang may-ari ng karinderya.
A/N:
Hehe, sabi ko sa inyo hindi perpekto si Sam-sam. May chapter 2 and 3 pa po tayo. Kaya wait niyo lang.