Chapter 29: Yes "BABY, why?!" gulat na tanong niya sa akin. Nilapitan siya ng kakambal niya at pinitik ang noo ang kanyang noo. Napadaing siya at hinimas-himas ang nasaktan niyang noo. Sinamaan pa niya nang tingin ang Kuya niya. "Crim, maupo ka nga rito at huwag mong pitikin ang noo ng kapatid mo. Mamumula ang noo niyan, eh," marahan na suway ni Mommy C kay Kuya Crim. Sa puntong iyon ay hindi na mukhang inaapi si Dri dahil pinagtatanggol na siya ng Mommy niya laban sa kakambal niya. Umupo naman si Kuya Crim sa tabi ng kanyang ina at yumakap pa siya sa braso nito. Ang sweet pala nilang magpamilya. Nakatutuwa na makita silang ganito. Sila 'yong pamilyang masasabi kong perpekto. Dahil kahit may kasama pa silang estranghero, na ngayon din nila nakilala ay magaan at maganda agad ang pakikit

