AF
Chapter 19: Secret
"HINDI ikaw ang tinatanong ko at hindi ko kailangan ang opinion mo," malamig na sabi ni Kuya Charleston kay Drimson.
Teka, kanina ko pa sila napapansin, ah. Mukhang hindi sila magkasundo. Sabagay naman ngayon lang sila nagkita at nagkakilala. Pero napapansin ko na nagbabangayan talaga sila.
"Let's have a dinner, Sam-sam?" Isang tanong iyon na kailangan ko ngang sumagot dahil dapat ako ang magbigay ng opinyon kung gusto ko ba na mag-dinner na muna kami bago umuwi?
Eh, si Carlin. Baka nagugutom na ang bruha sa mga oras na ito. Saka, I glanced at kuya. Parang ang hirap nga naman niyang tanggihan.
Kasi ngayon lang siya hihiling na makasama ako sa dinner time niya kung sakali man.
Kaya ko ba siyang tanggihan?
"Sam-sam?" tawag sa akin ni Dri at siya naman ang nilingon ko.
"Gusto ko," nakangusong sagot ko. Nakita ko ang pagngisi ni Kuya Charleston na tila siya ang nanalo sa paligsahan nila ni Dri. Kung may competition nga ba sa pagitan nila. Ewan ko lang.
Si Dri ay mas dumilim ang aura niya, "Sa condo na lamang ni Carlin? Naghihintay na siya at baka gutom na rin," sabi ko at binalingan ko si Kuya, "Mag-pizza na lamang po tayo, Kuya?" tanong ko nang nakangiti at sa pagkakataon na ito ay sila na naman ang nagkasundo.
Ang galing naman. Suggestion ko lang naman iyon, eh.
"That's not a healthy foods, Sam-sam," magkasabay na sabi nila pero umiling ako. Sabay pa silang bumuntong-hininga na tila sila ay natalo na naman sa labanan.
"BAKIT ang tagal mo?" kunot-noong tanong sa akin ni Carlin nang mapagbuksan niya ako ng pinto ng condo niya.
Bumaba ang tingin ko sa suot niyang spaghetti strap sando at cotton shorts. Hala ka baka pagalitan ka ni Dri kapag nakita nito na ganyan ang suot mo lalo pa na kasama namin ngayon si Kuya Charleston.
Baka magselos ang isang iyon. Ganoon iyon sa mga libro hindi ba?
Inaamin ko naman na maganda si Carlin. Masama nga lang iyong attitude niya. Dahil sa ayos niya ngayon ay wala na siyang make-up sa face niya. Maganda naman siya kahit wala ng gano'n. Pero ewan ko ba sa kanya at kailangan pang maglagay ng bagay na iyon. Hindi siya nakontento sa bagay na mayroon siya.
Inagaw niya sa akin ang dala kong grocery bag pero hindi ko siya hinayaan. Iyon ang pinamili nila sa akin na tsitsirya at chocolate. Baka kainin niya o baka hindi rin. Kasi baka alam niya ang salitang diet.
Sumilip si Kuya Charleston mula sa likuran ko at kumunot ang noo niya. Napaatras pa siya sa gulat.
"At ano'ng ginagawa ng lalaking'yan, dito?" nanlalaki ang mga matang tanong niya at pinagkrus pa ang mga braso niya.
"So, ikaw ang Carlin na tinutukoy ni Sam-sam?" nanunuyang tanong naman ni Kuya.
"At ano naman ang pakialam mo sa bagay na iyon? Magkakilala ba tayo?" malditang tanong ni Carlin.
Magkakilala sila? Hala naman...
"What's the matter?" singit na tanong ni Dri sa amin.
Nagkatinginan tuloy kaming apat bago ako hinila ni Carlin at agad na isinara ang pinto pero muli ko rin itong binuksan kaya nakapasok na agad si Dri.
Sumigaw pa si Carlin na iyon ang naabutan ni Kuya Charleston.
Sumunod naman si Kuya na masamang nakatingin kay Carlin.
"Hindi ka welcome sa condo ko, excuse me?" ang masungit na saad ni Carlin at lumapit kay Dri. Naguguluhan na tumingin tuloy sa kanila si Dri.
"Magkaibigan kayo, hindi ba? Bakit mukhang magkaaway kayo ngayon?" tanong niya at lumipad ang tingin niya sa akin na agad-agad akong umalis doon.
Huwag mo akong tanungin, Dri! Wala akong alam, huhu!
Tinungo ko ang kitchen na bitbit ko na ang dalawang box. Nasa kanila naman ang dalawa. Hindi pa nga nila ako hahayaan na magdala ng mga pinamili namin, eh nahihirapan na silang magbitbit ng mga iyon.
Inilapag ko iyon sa island counter at unang pumasok si Dri. Inilagay niya rin ang lahat ng grocery bag sa counter.
"You said they are friends? Bakit ganoon sila?" Nagkibit-balikat ako. Wala rin akong ideya kung bakit mainit ang ulo nila sa isa't isa. Hala, malay ko naman, 'no?
"Tanungin mo ang girlfriend mo," sabi ko at ngumuso.
Pumasok na rin si Kuya Charleston na kasunod niya si Carlin at tumabi nang upo sa akin si Kuya na agad na naman siyang sinamaan nang tingin ni Dri.
"Sinabi ko ba sa inyo na welcome kayo? Ikaw, Drim. Boyfriend kita, oo pero bawal kang magdala ng ibang lalaki rito dahil may babae akong bisita," ani Carlin at bakit parang umiba na naman ang ugali niya?
Inaaway na niya ang boyfriend niya! Oh, bago iyon. Haha, ganoon nga dapat! Para maasar naman sa kanya si Dri!
"Boyfriend mo siya?" Kuya mocked her. Hindi tinatanggal ni Carlin ang pagkrus ng mga braso niya sa dibdib.
"What's wrong with that?" nalilitong tanong ni Drimson.
"Ikaw pala ang boyfriend niya," baling niya kay Dri.
"What's wrong with you? Quit staring each other at nagugutom na si Sam-sam," sabi ni Dri at lumapit sa akin. Hindi mo ba kakampihan si Carlin, Drimson? Parang aawayin ka siya ng Kuya ko, eh. Hindi mo ba nahahalata?
"Hindi mo pala girlfriend si Sam-sam. Bakit kung makaakto ka ay parang boyfriend ka niya?" malamig na tanong ni Kuya Charleston. Hala...
Tiningnan ko ang naging reaksyon ni Carlin na masama na ang tingin sa akin, hindi lang naman ako. Maging si Kuya ay ganoon din siya.
Ano'ng nangyayari? Nakalusot naman pala ako sa sinagot ko kanina na friends sila kasi magkakilala naman na sila. Pero hindi nga lang magkasundo.
"Shut up. Wala kang pakialam. Ngayon ka nga lang nakilala ni Sam-sam at kung makaakto ka rin ay parang higit pa sa pagkakaibigan ang turing mo sa kanya or what?" laban din ni Dri.
Kasi nga kapatid niya ako, Dri. Kaya ganoon siya sa akin.
Wala pa man ay tila overprotective na sa akin si Kuya.
"Pinag-aagawan niyo ba itong bata na ito? Seriously?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Carlin at mukha na siyang na-stress.
Hindi siya pinansin ng dalawa, "Great!" sigaw niya at naaasar na tumawa nang malakas.
Tinanggal ko ang suot kong sumbrelo at maging ang coat ni kuya. Isinauli ko ulit ang wallet ni Carlin na tinatamad pang abutin at basta na lamang niya iyon inilagay sa bakanteng upuan. Saka siya umupo sa katapat kong upuan. Tumabi sa kanya ni Dri dahilan ng pagkirot ng puso ko.
Hindi bale, katabi ko namang nakaupo si Kuya Charleston. Alam kong nakikilala na niya ako bilang kapatid niya dahil sa narinig ko sa kanya kanina. Sa pagyakap lang niya sa akin kanina. Malamang.
Binuksan ni Kuya ang isang box ng pizza at ibinigay sa akin ang isang kapiraso no'n. Nakangiting tinanggap ko naman ito.
Tumayo si Dri at binuksan ang fridge ni Carlin. Naglabas siya ng isang pitcher na ice tubig saka kumuha rin ng dalawang baso.
Habang ngumunguya ako ay sinalinan niya ang isang baso ng tubig at inilapit iyon sa akin. Binigyan niya rin si Carlin ng pizza na wala pang balak kunin iyon dahil ayaw niya raw kumain ng pizza pero napilit din siya sa huli.
Naubos ko ang isa pa at ngayon naman ay si Dri na ang nagbigay sa akin. Sinundan iyon nang nakakunot-noo na si Carlin.
"Puro wine naman ang mayroon sa loob ng fridge mo, Carlin," ani sa kanya ng boyfriend niya. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain niya ng pizza tapos mapapatingin na naman siya sa katabi ko.
"Saan niyo napulot 'yang kasama niyo?" tanong niya at itinuro pa niya si Kuya gamit ang kamay niya na may hawak na pizza.
"Kaibigan mo pala ang babaeng 'yan, Sam-sam? Masamang ugali 'yan, eh," laban naman ni Kuya.
"Shut up," malamig na sabi ni Carlin.
Naubos namin ang apat na box na binili namin kanina dahil puro bangayan lang naman ang ginawa ng tatlo habang ako ay tahimik na kumakain lang.
Titingnan ko lang sila isa-isa kung sino na naman ang magsasalita kaya naubos naming apat ang pizza nang hindi namamalayan. Nabusog naman ako at naparami pa ang kain ni Carlin.
After that ay nagpaalam na siya na magpapahinga na. Nakita ko pa ang paghalik niya sa lips ni Dri na mabilis na ikinaiwas ko nang tingin sa kanila.
Nakakainis lang kasi. Tss.
"I'm sorry kung nabigla kita kanina. Pero hindi naman masama na pagkilala ako sa 'yo, 'di ba? Sinabi rin sa akin ni Cyan ang tungkol sa 'yo. I'm sorry kung pinapangunahan ka na ni Kuya," sincere na sabi niya at hinaplos pa niya ang pisngi ko.
Nabigla nga rin ako na magpapakilala na siya sa akin. Tama nga naman si Cyan na matalino siya at nalaman niya agad. Baka pinilit pa niya si Cyan.
Hinatid ko na siya palabas dahil uuwi na raw siya. Lumalalim na kasi ang gabi. Nag-aalangan pa nga na iwanan ako rito.
"S-Sorry rin po," nauutal kong sabi na ikinangiti niya lang.
"Maghihintay kami, Samantha. Maghihintay kami, lalo na si Daddy. Matagal ka na niyang hinihintay. Sana bigyan mo kami ng pagkakataon na makasama ka, hmm?" Tumango lang ako at humakbang naman siya palapit sa akin.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Napakarahan no'n at ang sarap sa pakiramdam.
"Mag-iingat ka po Kuya," sabi ko at nag-wave pa ako sa kanya.
"Whatever happens, Sam-sam. Nandito lang ako para sa 'yo, okay?" Tango ulit ang naging tugon ko sa kanya bago siya nagpaalam. Sinundan ko pa ang papalayo niyang pigura. Napangiti na lamang ako pero napaigtad ako sa gulat nang makarinig ako nang malakas na pagtikhim.
Nilingon ko si Dri na wala na namang emosyon ang mukha niya, "Uuwi ka na rin, Dri?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya at itinuro ang binti ko, "Ano iyon?"
"Hindi ba nananakot kanina ang binti mo?" Napakagat ako sa labi ko. Arte ko lang naman iyon, eh.
"Ayos lang ako, Dri," sabi ko.
"Bakit ka nga pala nagpunta kanina rito?" Naalala ko lang. Katawagan lang siya kanina ni Carlin tapos ang bilis niyang makarating at nagkita pa kami sa labas kasama si Kuya.
"I was worried. Na baka may sugat ka pa na hindi ko pa nagagamot. Ayos ka na ba rito, Sam-sam?" tanong niya at hinila ako paupo sa sofa.
Tumalon ang balikat ko nang hawakan niya ang binti ko at marahan na pinisil niyon.
"Wala lang naman iyon, Dri. Okay lang talaga ako. Sige na, umuwi ka na. May work ka pa tomorrow, hindi ba?" Ginulo niya lang ang buhok ko at matamis na ngumiti.
"Magpahinga ka na rin, Sam-sam. Nasaan ba ang kuwarto mo at ihahatid na kita roon," saad niya at hinila na naman ako patayo.
Tumayo naman ako pero siya iyong tinulak ko, "Okay lang ako, Dri. Sige na...umuwi ka na. Malalim na ang gabi," ani ko at hinawakan ko na ang braso niya saka namin tinungo ulit ang pinto.
Naitulak ko na nga palabas si Drimson, "Sige na. Ingat ka, ah?" ani ko at kumaway pa.
Sinuksok niya ang magkabilang kamay niya sa bulsa ng suot niyang itim na jacket at hayan na naman ang klase nang tingin niyang nakakawala sa sarili. Hahaha.
"Sige na po. Uwi ka na." Ilang minuto pa akong tinitigan niya bago siya tumango.
"Kailan ka ulit dadalaw, Dri?" tanong ko bago pa man siya makahakbang. Natatawang nilingon niya ako at ginulo na naman niya ang buhok ko.
"Malalaman mo kapag nagpupunta na ako rito," sabi niya na ikinangiti ko.
"Sige na, ikaw na ang maunang pumasok."
"Mag-iingat ka," usal niya sa akin.
"Ikaw rin," ani ko at tuluyan nang tumalikod si Dri.
Pagsara ko nang pintuan ay nagulat pa ako nang makita si Carlin na nasa hagdan at naka-krus na naman ang braso niya.
"Saan mo pala nakilala ang Charleston na iyon?" tanong niya sa akin agad at bumaba. Saka siya kumapit sa akin.
"Kakilala po yata ni Dri," pagsisinungaling ko naman na ikinataas ng kilay niya.
"Hindi mo ba kapatid ang lalaking iyon? Magkamukha kayo, eh. Ikaw, kung may itinatago kang isang bagay na puwedeng ikakasira ni Drim ay hindi talaga kita tatantanan hangga't hindi ka umiiyak ng dugo. Alam kong hindi mo lang iyon kaibigan," mahabang sabi niya sa akin.
Natakot naman ako kasi baka sabihin niya kay Dri ang nalalaman niya kung mayroon man.
Baka makakaalis na ako rito sa oras na may makikilala na siyang pamilya ko at baka...
"Eh, ikaw? Ano'ng mayroon sa inyo ni Charleston? Bakit ganoon ka makatingin sa kanya? May gusto ka ba sa kanya? Pinagtataksilan mo ba si Dri?" tanong ko.
"Excuse me?! Hindi ko gusto ang lalaking iyon! God! Nakakadiri!" naiinis na sigaw niya saka siya bumalik sa kuwarto niya.
Pikunin! Mananakot eh, siya naman ang mapipikon. Nakakatawa talaga siya. Takot na takot pero bakit nga ba talaga sila ganoon ni kuya?