"Sorry, Miss pero hindi na po kami hiring," paumanhin ng isang crew kay Rishan. Nagsalubong ang kanyang kilay dahil sa narinig.
"Hindi na hiring? Bakit nakapaskil pa rin 'yong URGENT HIRING do'n sa glass window?" taas-kilay na tanong niya sa crew.
Napayuko naman saglit ang huli at humingi ng paumanhin. "Sorry po, tatanggalin ko na po," magalang nitong tugon.
Tumango na lang si Rishan dahil hindi rin naman siya makakapasok dito kung makikipagtalo pa siya. Sayang lang ang oras niya.
Lumabas na lang siya sa fastfood chain na 'yon at naghanap ng ibang mapapasukan. Sandali siyang napatigil sa paglalakad nang makita ang mga batang masayang naglalaro sa malilim na bahagi ng children's park.
Dinala siya ng kanyang mga paa sa parke at umupo sandali sa isang bench na gawa sa matibay na kahoy. May kalumaan na ito ngunit kaya pa rin naman ng kanyang bigat.
Alas onse na ng tanghali pero marami nang naglalaro sa parke. Marami ring nagtitinda ng iba't-ibang street foods at mga balloons na hugis cartoons katulad ng Hello Kitty, Pokemon, Dora, Pikachu, Ben Ten at marami pang iba.
"I never been in this place before. I never felt this feeling of being free," bulong niya sa malamig na hanging humahaplos sa kanyang mukha.
Bumalik ang kanyang ala-ala sa pagpikit ng kanyang mga mata at dinamdam ang malamig na hangin.
Isang pitong taong gulang na Rishan ang bumababa sa hagdan at nagmamadaling lumapit sa kanyang ina. "Mommy, may I go outside the house? I want to play with other children just like Ate Diane."
Napataas ang kilay ng kanyang ina. "No! You stay here. Go back to your room!" galit na utos nito sa kanya. Hihilain na sana siya ng kanyang ina pataas ng hagdan nang biglang dumating ang kanyang Kuya Rio.
"Rio?" gulat na bulalas ng kanyang ina. "W-When did you arrive? You didn't call me at least-" hindi na natapos ang kanyang sinasabi nang magsalita si Rio at lumapit kay Rishan.
"What are you doing to Rishan? You're being harsh to her," seryosong wika ni Rio sa ina. Napayakap naman si Rishan sa binti ng kanyang Kuya Rio.
"Dinidisiplina ko lang-" hindi na naman natapos ng kanilang ina ang sinasabi.
"Kahit nasasaktan na siya at halos hilain niyo na parang isang bulto ng bigas?" wika ni Rio sa mas lalong seryosong tono.
"Rio?!" ang tanging binulalas ng kanilang ina dahil tama ang panganay nito ngunit ayaw nitong tanggapin na mas kumakampi pa ito sa kapatid.
"What do you want to do, baby girl?" tanong ni Rio sa nakababatang kapatid. Umupo siya upang magkatapat silang dalawa.
"I wanna play, Kuya," sagot ni Rishan sa kanyang maliit ngunit matamis na boses. Napangiti naman ito at ginulo ang kanyang buhok.
"Where do you want to play?" tanong muli ng kanyang kuya.
"Outside, Kuya with other children. I want to have friends outside just like Ate Diane," sagot ni Rishan. Unti-unting nawala ang ngiti ni Rio at napalitan ng buntong hininga.
"But you are not-" hindi na natapos ni Rio ang sasabihin nang umeksena ang kanilang ina.
"See? Ang kulit talaga ng kapatid mo. Sinabi nang hindi siya pwedeng lumabas ng bahay. Dapat talaga sa kanya dinidisiplina," masungit nitong wika.
Napatingin si Rio sa ina. "Mom, enough. The way you discipline Rishan isn't good. You're not helping, you're just making it worse for her."
Hindi nakapagsalita ang kanilang ina kaya umalis na lamang ito at umakyat patungo sa kanyang kwarto.
Bumalik ang tingin ni Rio sa kapatid. "Sorry, baby girl but...I-I can't go outside to play with you. Pagod si Kuya galing Canada pero may pasalubong ako sa'yo. Are you excited?" masiglang tanong sa kanya ni Rio.
Sumilay naman ang ngiti sa labi ni Rishan at ilang beses pang tumango dahil sa pagkasabik. Sabay silang umakyat sa taas at binuhat ng kanilang kasambahay ang maleta ni Rio patungo sa kanyang kwarto kung saan naroon ang lahat ng pasalubong para sa kanyang mga kapatid.
Malamig na simoy ng hangin pa rin ang nagpamulat sa mga mata ni Rishan at sa kanyang pagmulat, nakatayo sa harap niya ang isang batang paslit. Marumi ang kanyang damit, madungis ito at mukhang nauuhaw dahil nakatingin siya sa kanyang Slurpee na nakapatong sa kanyang gilid.
"G-Gusto mo ba?" alok ni Rishan sa bata kaya sumilay ang ngiti nito. "Sige, sa'yo na 'to." Inabot ni Rishan ang kanyang Slurpee na binili niya bago pa siya tumungo sa fastfood chain na kanyang pinanggalingan. Mukhang hindi na nga rin ito malamig.
Aalis na sana ang bata nang tawagin itong muli ni Rishan. "Wait! Here, tanggapin mo. Bumili ka ng pagkain mo ha," nakangiting wika niya sabay abot niya sa bata ng limampung piso.
"Salamat po, Ate. Ang bait niyo po talaga. May makakain na po si Mama at mga kapatid ko. Salamat po talaga," pagpapasalamat ng bata at agad na tumakbo patungo sa isang foodcart at bumili ng tusok-tusok.
Nanatili sa isipan ni Rishan ang sinabi ng bata at ang sitwasyon nito.
"I realized that they are poorer than what I expect. So this is the real world behind those high walls which became my whole world for almost two decades," wika niya sa kanyang isipan habang ang kanyang paningin ay nanatili sa batang masayang nagtuturo ng nais na bilhin.
Inalalang muli ni Rishan ang kanyang dating buhay sa kwadradong lupaing iyon na nagsilbing sentro ng kanyang mundo habang ang simoy ng hangin ay tila humehele sa kanyang memorya.
Rumehistro sa kanyang isipan ang kanyang mga magulang na palaging abala sa kanilang negosyo. Mawawari sa kanilang mga kasuotan at mga kilos na talagang matagumpay ang pamamayagpag ng kanilang kumpanya.
Sunod namang rumehistro sa isipan niya ang mukha ng kanilang panganay na si Rio Lucas. Ang ngiting iyon ni Rio ay ang huling ngiti sa kanya noong bago ito umalis patungong Ireland upang magsanay sa photography ngunit sa kasamaang palad ay bumagsak ang sinasakyang eroplano at hanggang ngayon ay hindi pa nahahanap ang kanyang bangkay. Nagkaroon pa ng kalituhan kung anong numero ng eroplano ang sinakyan niya noon.
Ang kanyang Ate Diane ay hindi nalalayo sa kanyang edad ngunit may asawa na ito at iyon nga ay si Benson Riego na mula rin sa mayamang pamilya. Ang mag-asawa ay hindi pa binibiyayaan ng anak ngunit matagumpay na rin ang kanilang sariling negosyo at iyon ay ang Dims Restaurant.
Sunod niyang nakita ang sarili, isang Rishan Lee na nakasimangot at walang kabuhay-buhay tingnan.
Agad niyang naisip ang kanilang nakababatang kapatid na si Lee Ann. Naalala niya ang mala-anghel nitong mukha habang natutulog ngunit agad siyang nalulungkot sa tuwing maaalala niya kung gaano kalayo ang loob nito sa kanya.
Natauhan si Rishan nang mag-vibrate ang phone niya at nang kanyang tingnan, tumatawag si Anika, ang kanyang best friend at sa kanila rin siya nakikituloy ngayon pansamantala.
"Rish, your Ate Diane went here a while ago and she was searching for you but we kept our mouth shut. She went inside our house and she said, once she found you, kakalbuhin ka niya," chill na pagkakasabi ni Anika mula sa kabilang linya.
Napabuntong hininga si Rishan at bagsak ang balikat na napayuko. "I don't know what to do but for now, I need to find a job to support my financial needs," wika niya at hindi siya nawawalan ng pag-asa.
"Financial needs? You can ask money from me and you don't have to move to another house or rent an apartment. You are safe with us, Rish," paninigurado ni Anika pero umiling si Rishan kahit pa hindi siya nito nakikita.
Bumuntong hininga siya bago tumingin sa kanyang paligid bago tumugon.
"I know you are a good best friend but I can't depend my life to you. I have to stand on my own feet to prove to my parents that I can survive without their money," determinadong wika ni Rishan.
Sandaling natahimik ang dalawa sa magkabilang linya. Rumehistro sa kanyang isipan ang maamong mukha ni Anika. Naalala niya ang kanyang tutor noon na siyang nagpakilala sa kanya.
"This is my niece and also my student, Anika Sanchez and here is her number. Don't tell to your parents that I gave someone's phone number, okay? She's kind and I am sure that you will get along with each other sooner," nakangiting wika ng kanyang tutor na si Mrs. Hermosa habang pinapakita ang picture ng dalagitang si Anika.
"Okay, tutulungan kita but for now umuwi ka na rito. You need to take a rest. You are stress these past few days. Come on," seryosong payo ni Anika sa kanya. "Nangangayayat ka na."
Isang buntong hiningang muli ang kanyang pinakawalan sabay tingin sa langit.