55 Rubi Habang sa kabilang banda naman ay alalang nilapitan ni Mildred si Roldan na halos mabali na ang spinal cord nito at namaga na rin ang mukha nito dahil sa samot-saring panghahampas ng silya ni Alvin sa lalaki. "Roldan, ayos lang ba? Roldan? Dadalhin kita sa hospital," aniya sabay akay sa hindi mag kanda-ugaga na lalaki. Subalit bago pa n'ya ito maakay ng tuloyan ay malakas na s'ya nitong itinulak palayo at kamuntik pang mabagok ang kanyang ulo sa pader. "Roldan? Duguan ka na, kailangan kang madala sa hospital," pangungumbinsi n'ya pa rito. Subalit tila walang narinig si Roldan at pinahid lang nito ang kanyang dugo mula sa pumutok n'yang bibig. "Hayop na Alvin na yan! Masyado n'ya akong kinawawa ah!" wika pa nito. "Gu-gusto mong gumanti ha, Roldan?" tanong pa n'ya rito.

