Rubi-49 Pagka-alis ni Jhon ay naiwang gulong-gulo ang puso at isipan ni Thalia. Naguguluhan s'ya sa sitwasyon. Galit na galit s'ya sa asawa n'yang si Alvin for hurting her so much. Niloko s'ya nito at sinaktan ng labis at itinuturing na hindi asawa. May pakiramdam na s'ya noon na niloloko s'ya nito matapos n'yang makakita ng isang bcondom sa bulsa nito. Subalit ipinikit n'ya ang kanyang mga mata sa buong katotohanan na nakalatag sa kanyang harapan at pumayag lang s'yang magpaloko dahil sobrang mahal na mahal n'ya ito ng sobra. Kahit na parang isa na s'yang nakasinding sigarilyo na nauupos sa labis na pait, ngunit sa kabilang yun ay pinili pa rin n'yang samahan ito at patuloy na mahalin hanggang sa natuklasan na n'ya ang buong katotohanan na her husband is cheating on her with her best fr

