RUBI-29 Hinatid lang ni Myla si Thalia sa pamamahay nito at agad rin silang nagpaalam sa isat-isa. "Salamat sa lahat Myla ha," "Walang anuman," tugon naman ng dalaga sa kanya bago sila tuluyang nag hiwalay. Habang sa kabilang banda naman ay kalalabas lang ng shower ni Alvin, dikit kilay s'yang napatanong sa kanyang kalaguyo ng makita n'yang naka-ayos ito at halatang may lakad ito sa kailaliman ng gabi. "Where are you going?" agad na tanong ni Alvin sa dalaga. Napahinto ng lakad si Mildred na palabas na sana ito ng pintuan ng kanilang silid. Dahan-dahang humarap ang dalaga kay Alvin at agad na nag isip ng i-dadahilan dito. "Ah, ano kasi. Kikitain ko sana si Celine, may pag uusapan lang sana kami," pagsisinungaling n'ya rito. "Celine? Eh, gabi na. Masyadong delikado na sa daan,

