Rubi-39 Kinaumagahan ay kapwa sabog ang dalawa. Pababa na ng hagdan si Thalia at sabog na sabog ang kanyang mga mata na tila ay isa s'yang adik dahil sa kawalan n'ya ng tulog. Habang pababa s'ya ay naabutan pa n'yang nag uunat ang binata sabay hikab. Nilapitan n'ya ito upang batiin. "Go-good morning," aniya. Nilingon naman s'ya ni Jhon na kasalukuyan itong nagtitimpla ng kape para sa kanilang dalawa. At sa pag lingon ni Jhon ay kamuntik pa n'yang maitapon ang kape sa sarili n'yang damit ng bumungad sa kanyang harapan ang pagmumukha ni Thalia sa sabog na sabog at halatang hindi ito nakatulog, nakakatakot ang itsura nito na tila nagmumulto. "Angas ng pagkagulat mo ah, ang saya para sa bagong umaga," pilosopong wika pa ni Thalia sa binata. "Pa-pasensya ka na, para ka kasing sabog eh.

