RUBI- 33 Patuloy ang pag-iyak ni Thalia habang dumadampi sa kanyang balat ang malakas na hangin sa pampang at tinatangay nito ang kanyang buhok. Nanatili si Thalia sa pampang hanggang dapit hapon. Nang mapagud na s'ya sa ka-iiyak ay pinunas na n'ya ang kanyang mga luha while there is a fire rising inside her eyes. "Ito na ang huling pag patak ng luha ko para sa'yo Alvin, titigil na ang pagtibok ng puso ko para sa'yo," aniya sa kanyang sarili while swearing it herself sabay tumalikod sa pampang. Nais sanang umuwi ni Thalia sa kanyang pamamahay, subalit wala na pala s'yang tahanang mauuwian. Dinala ni Thalia ang kanyang sarili pabalik sa pamamahay ng taong tumulong sa kanya, sa pamamahay ng binatang si Jhon. Takip silim na ng marating ni Thalia ang tahanang iyon. Isang doorbell ang

